• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Palasyo kay Napoles: Sumuko ka na

    By dzmm.com.ph | 05:16 PM 08/16/2013

  • "Hinimok na rin ng Malakanyang ang puganteng si Janet Lim-Napoles at kapatid nitong si Reynald Lim na sumuko na at harapin ang kasong isinampa sa korte. "

    Hinimok na rin ng Malakanyang ang puganteng si Janet Lim-Napoles at kapatid nitong si Reynald Lim na sumuko na at harapin ang kasong isinampa sa korte.

    Ipinaalala ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang laging sinasabi ni Pangulong Noynoy Aquino na kung wala namang itinatago, walang dapat ikatakot.

    Hinikayat din ni Valte ang publiko na ipagbigay-alam agad sa mga awtoridad ang anumang impormasyon na maaaring magbunsod sa pagkaaresto kay Napoles at kapatid nito.

    Miyerkules nang maglabas ng warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court laban kay Napoles at kapatid dahil sa kasong serious illegal detention.

    Nang puntahan sa tahanan at opisina, hindi na matagpuan ang sinasabing utak ng biilyon-bilyong pork barrel scam. Report from Junry Hidalgo, Radyo Patrol 31





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pinay drug convict sa Indonesia, tuloy ang bitay - DFA March 27, 2015 21:38:32 »
  • METRO Ilang sasakyang nakaparada sa maling lugar sa Maynila, ikinandado March 27, 2015 12:40:27 »
  • ENTERTAINMENT Adjustment sa buhay may-asawa ni Yeng Constantino March 26, 2015 13:05:30 »
  • SPORTS Free TV networks sa bansa, ipalalabas ang Pacquiao-Mayweather fight March 26, 2015 22:32:57 »
  • REGION 2 patay sa paglubog ng bangka sa Negros Occ. March 26, 2015 10:45:38 »
  • WORLD 14 patay sa pagbagsak ng scaffolding sa construction site sa Vietnam March 27, 2015 08:53:27 »
  • GOOD NEWS 79-anyos na lolo, natupad ang pangarap na makapagtapos ng Law March 22, 2015 20:29:05 »