• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 30°C
      Cloudy
  • Palasyo, 'di pabor na maglaro ng golf si CGMA habang naka-confine sa VMMC

    By dzmm.com.ph | 12:04 PM 06/18/2012

  • "Kontra ang Malakanyang sa hirit ni dating pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapaglaro ng golf habang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City. "

    Kontra ang Malakanyang sa hirit ni dating pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapaglaro ng golf habang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

    Sa harap ito ng pahayag ni Atty. Raul Lambino, abogado ni Ginang Arroyo, na nami-miss na ng dating pangulo ang paglalaro ng golf at paggamit ng cellphone at laptop.

    Sagot naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat tanggapin ni Arroyo na tulad ng iba pang nasa bilangguan, maraming pagbabawal at hindi na magagawa pa ng sinumang nakakulong ang mga dati nitong nakagawiang aktibidad.

    Gayunman, sinabi ni Valte na ipinauubaya na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) at Pasay City Regional Trial Court (RTC) branch 112 kung papayagan nito ang mosyon ng dating pangulo. Report from Junry Hidalgo, Radyo Patrol 31





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL PNoy, dumalaw sa burol ni Juan Flavier October 31, 2014 20:10:21 »
  • METRO Grupo ng mga guro, sumugod sa Mendiola October 30, 2014 18:04:29 »
  • ENTERTAINMENT 'Sendong', 'Pablo' at 'Yolanda' report ng ABS-CBNnews.com, wagi ng Asian environmental award October 31, 2014 08:44:19 »
  • SPORTS Coach Chot sinibak sa pwesto, bagong Gilas bubuuin October 30, 2014 18:34:21 »
  • PAPAL VISIT Official photographer ng Papal visit, napili na October 28, 2014 20:34:34 »
  • REGION Bani, Pangasinan, positibo sa red tide October 31, 2014 17:42:43 »
  • WORLD 10 patay, 30 sugatan sa banggaan ng school bus at tanker sa Brazil October 29, 2014 07:53:33 »