• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Cebu City, 32°C
      Partly cloudy
  • Pabahay para sa mga sundalo at pulis, iti-turnover bukas ni PNoy

    By dzmm.com.ph | 07:05 PM 02/23/2012

  • "Iti-turnover na bukas ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang halos 22,000 pabahay para sa mga pulis at sundalo."

    Iti-turnover na bukas ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang halos 22,000 pabahay para sa mga pulis at sundalo.

    Kaugnay ito nang ipinangako ng Pangulo sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution noong nakaraang taon.

    Matatagpuan ang pabahay sa Ciudad Adelina 2, Barangay Luciano, Trece Martires City sa Cavite.

    Makakasama ng Pangulo sa turnover ceremony bukas si Vice President Jejomar Binay.

    Binanggit naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Colonel Arnulfo Burgos, na bukod sa Cavite, may pabahay din para sa mga sundalo't pulis sa Bulacan at Laguna.

    Samantala, inanunsyo ng AFP at Philippine National Police (PNP) na aabot sa 2,000 sundalo, pulis, mga beterano at mga kadete ng Reserve Officers' Training Corps (ROTC )ang makikilahok sa gagawing "salubungan" sa EDSA sa Sabado, alas-9:00 ng umaga pagkatapos ng flag raising ceremony para sa paggunita ng ika-26 na anibersaryo ng People Power. Report from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Testigo sa umano'y PDAF scam, nagpasaklolo sa NBI July 03, 2015 21:44:14 »
  • METRO 2 'pulis-kidnapper,' timbog sa Maynila July 03, 2015 18:02:37 »
  • ENTERTAINMENT ABS-CBN, DZMM, umani ng parangal mula sa VACC July 03, 2015 22:02:04 »
  • SPORTS Michael Martinez, ikinuwento ang training sa Amerika June 28, 2015 08:52:30 »
  • REGION Nasawi sa lumubog na barko sa Ormoc, 48 na July 04, 2015 00:16:17 »
  • WORLD 27 patay, higit 200 sugatan sa suicide bombing sa Kuwait June 27, 2015 10:21:54 »
  • GOOD NEWS Pinoy students, wagi sa 'Go Green in the City' contest sa Paris June 28, 2015 20:25:13 »