• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • PNoy: 2-3 kaso kaugnay ng 'pork scam' isasampa sa lalong madaling panahon

    By dzmm.com.ph | 11:25 PM 08/19/2013
  • image
    "Ayon sa Pangulo, inatasan niya si DOJ Secretary Leila de Lima na isampa na sa lalong madaling panahon ang pinakamatitibay na kaso."

    Inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino na magsasampa na ng dalawa hanggang tatlong kaso ang Department of Justice (DOJ) kaugnay ng isyu ng pork barrel.

    Ayon sa Pangulo, inatasan niya si DOJ Secretary Leila de Lima na isampa na sa lalong madaling panahon ang pinakamatitibay na kaso.

    "Last week, medyo nagkaroon tayo ng kaunting karamdaman at hindi kami nakapag-meeting. Pero ang pagkakaintindi ko ay halos ready nang isampa ang at least two to three cases."

    Muli namang tiniyak ni PNoy na kahit kaalyado niya ang masangkot sa maling paggamit ng pork barrel ay tuloy ang pagkakaso laban sa mga ito.

    "Sinabi ko naman noong SONA. Kung saan tayo dadalhin ng ebidensya ay pasensyahan na lang."

    Tutol sa pagbasura ng pork barrel

    Sa kabila ng ulat ng Commission on Audit (COA), hindi pa rin kumbinsido ang Pangulo na panahon nang buwagin ang pork barrel ng mga mambabatas.

    Katwiran niya, malaki ang naitutulong ng pork barrel sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan na hindi batid ng national government.

    Dagdag ni PNoy, "Tulad ng anong bagay, merong mabuting paggamit, merong maling paggamit. Siguro ang makatwirang gawin ay 'yung maling paggamit ay talagang patungan ng kaukulang kaparusahan. At 'yung tama namang paggamit ay dapat nating matulungan dahil mas deretsong nakatutulong 'to sa mga komunidad lalo na [sa] labas ng National Capital Region."

    Imbes na ibasura ang pork barrel, nais ni PNoy na higpitan ang polisiya sa paglalabas nito upang matiyak na ito'y napupunta sa tama.

    "Ayusin ang paggamit nito, dagdagan ang mga restrictions, lakihan... Lawakan 'yung tinatawag na safeguards at 'yung monitoring ng mga implementation." Report from Willard Cheng, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Heneral ng PNP, kakasuhan ang sexy model na gumamit ng kanyang business card October 02, 2014 21:33:45 »
  • METRO 13 Koreano, arestado sa illegal online gambling October 02, 2014 19:34:40 »
  • ENTERTAINMENT Anong dapat gawin 'pag nabasa ang iyong cellphone? October 02, 2014 17:30:45 »
  • SPORTS FEU coach: Hindi lang Ateneo at La Salle ang kayang magdala ng crowd October 02, 2014 17:29:14 »
  • PAPAL VISIT Pinoy peacekeepers sa Golan Heights, nasasabik para sa Papal visit October 01, 2014 13:45:53 »
  • REGION Magkapatid na paslit, patay sa sunog sa Cebu October 02, 2014 13:29:16 »
  • WORLD Hong Kong online protests, umiigting October 01, 2014 13:27:00 »