- NEWS
- BACK TO NEWS MAIN
-
PAGCOR, itinangging tumanggap ng pribilehiyo at pabor mula sa Japanese gaming magnate
By dzmm.com.ph | 09:53 AM 02/23/2012 -
-
"Itinanggi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang akusasyong tumanggap sila ng regalo at pabor mula sa isang Japanese gaming magnate."Itinanggi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang akusasyong tumanggap sila ng regalo at pabor mula sa isang Japanese gaming magnate.
Inamin ng pamunuan ng PAGCOR na nagpunta nga sina PAGCOR Chairman Cristino Naguiat sa Macau noong 2010 pero sumunod lang ang pamilya nito na sinagot ang sarili nilang pamasahe.
Ayon kay Atty. Jay Santiago, chief legal counsel ng PAGCOR, bahagi ang mga biyaheng ito sa kalakaran sa gaming industry.
"This is part of the reciprocity given to casino executives in other parts of the world. The trip was a re-oritentation, networking with other stakeholders," pahayag ni Santiago.
Iginiit din ni Naguiat na hindi siya tumanggap ng mamahaling bag mula kay Gambling tycoon Kauzo Okada sa kanyang pagbisita sa Macau noong 2010.
Posible umanong nadadawit lamang ang kanyang pangalan sa banggaan ng dalawang gaming magnates na sina Okada at Wynn Resorts Chief Executive Steve Wynn.
Una nang pinangalanan ni Wynn sina Naguiat at dating PAGCOR chairman Ephraim Genuino sa kaniyang isinampang kaso sa Amerika laban kay Okada dahil sa umano'y panunuhol sa mga "gambling regulator" sa Pilipinas at pandaraya sa kaniya bilang partner sa negosyo.
Itinanggi naman ng abogado ni Genuino na may binisitang anumang Wynn Resort ang kaniyang kliyente noong 2008.
Sinabi ni Atty. Ramon Esguerra na wala ring tinanggap na mga regalo si Genuino.
"He has not gone out of the country since 2008, according to him. The records of the Bureau of Immigration will bear him out. He did not receive any gifts from there," pahayag ni Esguerra.
Samantala, nagtungo na sa tanggapan ng PAGCOR ang Japanese billionaire at gaming tycoon na si Okada para humingi ng paumanhin sa pagkakadawit ng ahensya sa kontrobersya. Report from ABS-CBN News -
- Most Recent
- Most Discussed
- 1 Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 » May 16, 2012 23:41:48
- 2 Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list » May 16, 2012 23:41:16
- 3 PNoy, nagtalaga ng 2 special envoy sa China; Domingo Lee, muling hinirang » May 16, 2012 23:39:19
- 4 Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PNoy » May 16, 2012 21:29:07
- 5 Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA » May 16, 2012 21:27:06
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »