• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly rainy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Cebu City, 32°C
      Partly cloudy
  • P11.4-B plunder case, ikinakasa laban kay DA Sec. Alcala

    By Leo Humangit, dzmm.com.ph | 01:52 PM 01/16/2014

  • "Isang P11.4 bilyong halaga ng kasong plunder ang isasampa laban kay Agriculture Secretary Proceso Alcala."

    Isang P11.4 bilyong halaga ng kasong plunder ang isasampa laban kay Agriculture Secretary Proceso Alcala.

    Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Atty. Argee Guevarra ng Sanlakas party-list group na kaugnay ito ng anomalya sa National Agribusiness Corporation (NABCOR) batay sa report ng Commission on Audit (COA).

    Paliwanag ni Guevarra, mayroong hindi na mahagilap o unaccounted na P5.6 bilyong gastos ang NABCOR noong 2009 hanggang 2011, samantalang wala pa umano sa P50 milyong budget ang nakalaan sa NABCOR bawat taon.

    Bukod dito, noong 2012-2013, gumastos pa ito ng P5.8 bilyon, kung saan P800 milyon na hindi pa nali-liquidate.

    Tumatayong ex-officio chairman ng NABCOR si Alcala.

    Samantala, isa ang NABCOR sa mga implementing agency na nakuhanan ng pork barrel ng mga bogus non-government organizations ni Janet Napoles.

    "Sa P5 bilyon na nakapag-submit sila ng liquidation, magtataka ako kapag wala roong Napoles account," hinala ni Guevarra.

    Tinatapos na lamang anya ang detalye ng reklamo.

    Una nang nagsampa si Guevarra ng kasong plunder laban kina Alcala at NFA Administrator Orlan Calayag ukol sa overpriced na bigas na inangkat mula sa Vietnam.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL VP Binay, dumipensa sa mga batikos vs TSONA August 05, 2015 10:05:14 »
  • METRO Ika-3 round ng oral arguments kaugnay ng Torre De Manila, kasado na August 04, 2015 22:57:23 »
  • ENTERTAINMENT Miyembro ng Masculados Dos, patay sa hinihinalang carjacking August 02, 2015 19:50:29 »
  • SPORTS Pinoy billiards players, wagi ng 4 na medalya sa Chinese Taipei August 04, 2015 16:06:50 »
  • REGION Pagtugis sa suspek sa Zambales slay, idudulog sa FBI August 04, 2015 16:01:54 »
  • WORLD 27 patay sa pagbaha sa Myanmar August 02, 2015 11:40:13 »
  • GOOD NEWS UP Manila Chorale, wagi sa 2 int'l contest August 02, 2015 18:33:51 »