• PANAHON
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 26°C
      Cloudy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • Nur Misuari, pinabulaanang naghahanda ang MNLF sa posibleng gulo sa Lahad Datu

    By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 08:15 AM 02/28/2013
  • image
    "Pinabulaanan ni Nur Misuari na naghahanda ang kanyang mga tauhan sa posibleng pagsiklab ng gulo sa Lahad Datu, Sabah."

    Pinabulaanan ni Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari na naka-red alert at naghahanda ang kanyang mga tauhan sa posibleng pagsiklab ng gulo sa pagitan ng mga Filipino Muslim at Malaysian authorities sa Lahad Datu, Sabah.

    Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Misuari na wala siyang iniutos na pag-atake sakaling lusubin ng mga Malaysian ang kuta ni Rajah Mudah Agbimuddin Kiram.

    Hangga't maaari anya, ayaw din niyang masangkot sa isyu.

    "Ewan ko lang kung saan galing ang impormasyon na 'yan. Wala akong direct information tungkol sa pangyayaring 'yan. Wala namang instruction na naibigay sa mga MNLF elements tungkol diyan kasi ayaw namin to get directly involved dito, kasi wala namang tunay na reason."

    Una nang lumabas ang balita sa isang pahayagan.

    Pero ayon kay Misuari, posibleng kuro-kuro lamang ito o posisyon ng ilang MNLF na may kaibigan o kaanak sa Lahad Datu.

    "I'm not sure though, but I will try to find out... Palagay ko kuro-kuro lamang ito... If and when that happens, rest ssured na wala kaming pahintulot diyan."

    Tiniyak din ng lider ng MNLF na hindi sila aatake o makikisawsaw sa gulo, maliban na lamang kung may madamay na sibilyan.

    "Kung sakali, ang mga sibilyan namin na walang kamalay-malay will be unjustly harassed and persecuted in the aftermath of this situation, then we will have to weigh the situation in favor of our innocent civilians."

    Sa ngayon, ipinagpapasalamat ni Misuari na nananatiling kalmado ang Malaysian authorities sa kanilang mga kapatid na Muslim.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Paggamit ng PCOS machines sa 2016 elections, ipinapipigil sa SC May 05, 2015 21:27:51 »
  • METRO Banta ng pagpapasabog sa ilang mall, itinanggi ng AFP May 05, 2015 18:38:03 »
  • ENTERTAINMENT Karen Davila, 'Sexiest Woman Alive' May 05, 2015 20:17:02 »
  • SPORTS Bakit maraming boksingero ang takot magretiro? May 05, 2015 20:30:02 »
  • REGION Opensiba vs BIFF, tuloy kahit patay na si Usman May 05, 2015 13:26:05 »
  • WORLD Kate Middleton, nagsilang ng sanggol na babae May 02, 2015 19:21:08 »
  • GOOD NEWS Sekyu sa NAIA, nagsoli ng $10,700, laptop April 27, 2015 21:50:50 »