• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • NSO: Populasyon ng Pilipinas, umabot na sa 95-M

    By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 11:05 AM 04/09/2012

  • "Umabot na sa halos 95 milyon ang populasyon ng Pilipinas ayon sa National Statistics Office (NSO)."

    Umabot na sa halos 95 milyon ang populasyon ng Pilipinas ayon sa National Statistics Office (NSO).

    Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, ipinaliwang ni NSO Administrator Carmelita Ericta na lumabas sa survey nila na nasa 92.33 milyon ang populasyon ng bansa hanggang noong 2010, pero "ang growth rate kasi is 1.9 percent, so siguro mga 95 million na ngayon."

    Sa nakaraang pag-aaral aniya, lumabas na mas maraming lalaki kumpara sa babae. "May 102 lalaki sa bawat 100 babae."

    Dagdag ni Ericta, kalahati ng populasyon ng Pilipinas ngayon ay nasa edad 18 pababa. "Ibig sabihin nito, 'yung populasyon relative to other Asian countries ay bata pa."

    Mas maliit na rin aniya ang average household size ng mga Pilipino ngayon na nasa apat hanggang lima lamang.

    Batay din sa tala ng NSO, kapansin-pansin na mas kaunti ang bilang ng anak ng mga may kaya o nasa middle class pataas.

    Tatlo aniya ang average na bilang ng mga anak nito kumpara sa apat, lima o mas marami pang anak ng nasa Class D, E at below poverty line.

    Sa tanong naman kung ano ang magiging epekto ng pagtaas na bilang ng populasyon ng bansa, sinabi ni Ericta na "depende sa pananaw ng tao at kung ang resources natin ay kaya pang tustusan ang 95 milyon."

    May hiwalay aniyang pag-aaral sa usapin kung nagtutugma pa ang resources sa populasyon ng Pilipinas.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pagtuligsa kay PNoy, dapat nang tuldukan - House Speaker March 27, 2015 18:30:17 »
  • METRO Ilang sasakyang nakaparada sa maling lugar sa Maynila, ikinandado March 27, 2015 12:40:27 »
  • ENTERTAINMENT Adjustment sa buhay may-asawa ni Yeng Constantino March 26, 2015 13:05:30 »
  • SPORTS Free TV networks sa bansa, ipalalabas ang Pacquiao-Mayweather fight March 26, 2015 22:32:57 »
  • REGION 2 patay sa paglubog ng bangka sa Negros Occ. March 26, 2015 10:45:38 »
  • WORLD 14 patay sa pagbagsak ng scaffolding sa construction site sa Vietnam March 27, 2015 08:53:27 »
  • GOOD NEWS 79-anyos na lolo, natupad ang pangarap na makapagtapos ng Law March 22, 2015 20:29:05 »