• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • NSO: Populasyon ng Pilipinas, umabot na sa 95-M

    By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 11:05 AM 04/09/2012

  • "Umabot na sa halos 95 milyon ang populasyon ng Pilipinas ayon sa National Statistics Office (NSO)."

    Umabot na sa halos 95 milyon ang populasyon ng Pilipinas ayon sa National Statistics Office (NSO).

    Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, ipinaliwang ni NSO Administrator Carmelita Ericta na lumabas sa survey nila na nasa 92.33 milyon ang populasyon ng bansa hanggang noong 2010, pero "ang growth rate kasi is 1.9 percent, so siguro mga 95 million na ngayon."

    Sa nakaraang pag-aaral aniya, lumabas na mas maraming lalaki kumpara sa babae. "May 102 lalaki sa bawat 100 babae."

    Dagdag ni Ericta, kalahati ng populasyon ng Pilipinas ngayon ay nasa edad 18 pababa. "Ibig sabihin nito, 'yung populasyon relative to other Asian countries ay bata pa."

    Mas maliit na rin aniya ang average household size ng mga Pilipino ngayon na nasa apat hanggang lima lamang.

    Batay din sa tala ng NSO, kapansin-pansin na mas kaunti ang bilang ng anak ng mga may kaya o nasa middle class pataas.

    Tatlo aniya ang average na bilang ng mga anak nito kumpara sa apat, lima o mas marami pang anak ng nasa Class D, E at below poverty line.

    Sa tanong naman kung ano ang magiging epekto ng pagtaas na bilang ng populasyon ng bansa, sinabi ni Ericta na "depende sa pananaw ng tao at kung ang resources natin ay kaya pang tustusan ang 95 milyon."

    May hiwalay aniyang pag-aaral sa usapin kung nagtutugma pa ang resources sa populasyon ng Pilipinas.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Peacekeepers sa Caballo Is., abala sa sports fest at coastal clean-up November 23, 2014 20:17:59 »
  • METRO 30 bahay sa QC, tinupok ng apoy November 23, 2014 19:00:27 »
  • ENTERTAINMENT DZMM anchors, nag-thank you sa mga taong nagbibigay-inspirasyon sa kanila November 23, 2014 20:56:50 »
  • SPORTS Pacquiao vs Mayweather, sigaw ng netizens kasunod ng Algieri bout November 23, 2014 20:25:32 »
  • PAPAL VISIT Papal Visit committee, bukas para sa mga donasyon November 20, 2014 21:06:03 »
  • REGION 4-taong gulang na paslit, ginilitan ng lolo November 22, 2014 21:05:47 »
  • WORLD Japan, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol November 23, 2014 18:20:59 »