• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Mga pulitikong epal, posibleng madiskwalipika sa eleksyon

    By dzmm.com.ph | 04:31 PM 09/13/2012

  • "Posibleng madiskwalipika ang mga pulitikong "epal" o yung may mga naglalakihang tarpaulin at poster na naglalaman ng kanilang larawan at pangalan bago pa man ang opisyal na panahon ng kampanya. "

    Posibleng madiskwalipika ang mga pulitikong "epal" o yung may mga naglalakihang tarpaulin at poster na naglalaman ng kanilang larawan at pangalan bago pa man ang opisyal na panahon ng kampanya.

    Ayon kay election lawyer Romulo Macalintal, sinumang concerned citizen na makapagpapatunay na nakaramdam sya ng pagkairita dahil sa mga naturang mga poster ay maaring maghain ng kasong kriminal na unjust vexation.

    Aniya, sa ilalim ng Article 287 ng Revised Penal Code, may katapat itong parusa na isa hanggang 30 araw na pagkabilanggo.

    Maaari rin itong maharap sa paglabag sa Republic Act 9003 o Anti-Littering Law lalo't simula noong Setymbre 16, 2010, ipinagbabawal na rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagkalat ng mga poster o billboard o mga signage na walang permiso mula sa lokal na pamahalaan.

    Sakali aniyang mahatulan sa nasabing paglabag ang sinumang pulitiko, diskwalipikado na silang tumakbo sa halalan sa ilalim ng section 12 ng Omnibus Election Code. Report from Ricky Velasco, Radyo Patrol 39 (photo courtesy of Anti Epal Facebook page)





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 6 kinasuhan ng tax evasion ng BIR April 24, 2014 13:25:34 »
  • METRO Truck drivers at helpers sa pantalan, nag-protesta vs daytime truck ban at towing service sa Maynila April 24, 2014 13:25:07 »
  • ENTERTAINMENT Kris Aquino, isinugod sa ospital dahil sa matinding init April 23, 2014 08:53:34 »
  • SPORTS Donaire, target masungkit ang ika-4 na titulo sa laban vs S. African Vetyeka April 22, 2014 21:25:58 »
  • REGION Dinukot na sundalo ng NPA, pinalaya na sa ComVal April 24, 2014 12:03:54 »
  • WORLD Magnitude 6.7 na lindol, yumanig sa Vancouver, Canada April 24, 2014 13:21:27 »
  • GOOD NEWS Hamong malibot ang Europa nang walang pera, nalagpasan ng 3 Pinoy students April 20, 2014 18:30:25 »