• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 20°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • Mga opisyal ng kumpanyang sangkot sa P12-B pyramiding scam, kinasuhan na

    By Erik Tenedero, dzmm.com.ph | 09:54 PM 11/14/2012

  • "Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang executive at board of directors ng kumpaniyang Aman Futures Group Philippines Inc. na sangkot sa P12 bilyong pyramiding scam.  "

    Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang executive at board of directors ng kumpaniyang Aman Futures Group Philippines Inc. na sangkot sa P12 bilyong pyramiding scam.

    Sinabi ni NBI Deputy Director Atty. Virgilio Mendez sa DZMM TeleRadyo na nakapaghain na sila ng kasong estafa sa Department of Justice (DOJ) at hinihintay na lang nila ang warrant of arrest.

    "Until now wala pang warrant na nilabas. We filed cases last week pa ng October," ayon kay Mendez.

    Paliwanag ni Mendez, posibleng nagpapalabas pa ng summons ang DOJ sa mga opisyal para pasagutin sa kaso kaya't wala pang inilalabas na warrant of arrest.

    Pero sa ngayon, nasa Kota Kinabalu na ang chief executive officer ng Aman na si Manuel Amalilio o Mohammed Suffian Saaid sa kaniyang Malaysian na pangalan.

    Kasamang kinasuhan ng estafa sina Fernando Luna, Lelian Gan, Edward Lim, William Fuentes, Naezelle Rodriguez at Lurix Lopez.

    Modus

    Sa panayam pa rin ng DZMM TeleRadyo, ipinaliwanag ni Mendez ang modus ng grupo kung paanong nabiktima ang hindi bababa sa 15, 000 sa Visayas at Mindanao kabilang ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan, mga pulis, militar at overseas Filipino workers (OFWs).

    Unang hinikayat ng kumpanya ang mga maliliit na trabahador gaya ng mga tindera sa palengke taglay ang pangakong 30 porsyentong balik ng perang kanilang ipapasok sa loob lang ng walong araw.

    "Nag-umpisa ito 'dun sa mga palengke-palengke. 'Nung una walang naniniwala. Later, nakikita ng mga tao marami nang nakakabili ng mga brand new na motorcylce, nakabili ng bagong gamit. 'Nung nalaman ng mga tao na talagang mayroong cash value agad after eight days, nagpuntahan na sila sa opisina," ayon kay Mendez.

    Aniya, pawang maliliit na investor na nagbigay ng lima hanggang sampung libo ang nagsipuntahan na umabot agad sa 3, 000.

    Pero dumating sang panahon na puro talbog na ang tsekeng ipinapalabas ng kumpanya hanggang sa tuluyan na ring naglaho ang mga opisyal nito.

    Sa ngayon, ummaabot na sa hindi bababa sa 8, 000 ang mga complainant kontra sa Aman Futures.

    'Bogus'

    Ayon pa kay Mendez, rehistrado at may permit mula sa Security and Exchange Commission (SEC) ang kumpanya pero hindi ito lisensiyado na gawin ang ginagawa nitong pangangalap ng investment.

    Sa ngayon, inutos na ni Justice Secretary Leila De Lima ang pagbuo ng isang special panel na tututok sa kaso.

    "We want to file the case in court before the year ends. We are checking those who are hiding. If they have left, we will check the countries of destination so we can immediately invoke existing bilateral agreements," ayon kay De Lima.

    Sa pamamagitan naman ng isang video sa YouTube, humingi ng paumanhin si Amalilio lalo na sa mga opisyal ng Aman Futures.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Babaeng may bitbit na baril, nakapasok sa Malakanyang August 22, 2014 18:48:42 »
  • METRO Pasig River Ferry, may libreng sakay sa Lunes August 22, 2014 20:35:09 »
  • ENTERTAINMENT Lea Salonga, nakiisa sa ALS Ice Bucket Challenge; Aga Muhlach, 'The Voice' coaches, hinamon August 22, 2014 18:21:51 »
  • SPORTS Gilas players, sumabak sa ice bucket challenge August 22, 2014 17:55:02 »
  • REGION Cessna plane, bumagsak sa Calatagan, Batangas August 22, 2014 20:26:09 »
  • WORLD Pinoy seaman sa Togo, sinusuri sa posibleng Ebola virus August 22, 2014 18:30:40 »
  • GOOD NEWS 2 estudyanteng Pinoy, wagi ng gold at bronze sa Math contest sa China August 20, 2014 15:51:10 »