• PANAHON
    Manila, 30°C
    Cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Kaso ng mga kabataang sangkot sa krimen, tumaas ng 290%

    By Leo Humangit, dzmm.com.ph | 08:07 PM 11/18/2012

  • "Umakyat na sa 290-porsyento ang itinaas ngbbilang ng mga batang nasasangkot sa krimen sa bansa."

    Umakyat na sa 290-porsyento ang itinaas ngbbilang ng mga batang nasasangkot sa krimen sa bansa.

    Sa pinakahuling tala noong 2007, umabot na sa 1,825 kabataan ang sangkot sa krimen at makalipas lamang ang apat ng taon ay lomobo na ito sa 5,818 o halos 290-porsyentong pagtaas.

    Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Chief Superitendent Generoso Cerbo, spokesperson ng Philippine National Police (PNP) na sakop na nito ang lahat ng kaso ng biktima at pagiging suspek ng mga kabataan.

    "Marami (sa bilang na ito) ay bilang biktima at malaking bahagi naman nito ay bilang offender o 'yung tinatawag nating children in conflict with the law," ani Cerbo.

    Naglagay na aniya sila ng mga children's desk sa lahat ng munisipyo, siyudad at lalawigan na tututok sa kaso ng mga bata.

    Bukod sa children's desk, nagtalaga rin sila ng mga highly trained na pulis na hahawak sa kaso ng juvenile deliquency dahil hindi naman aniya basta-basta ang ganitong mga kaso.

    Ayon pa kay Cerbo, hindi naman pwedeng ituring na parang isang hardened criminals ang mga ito.

    Sabi naman ni Dr. Jaime Polo, propesor ng Anthropolgy at Sociology sa University of the Philippines, kahit maglagay pa ang PNP ng mga rehabilitation center para sa mga batang sangkot sa krimen kung wala namang sapat na facilities at hindi rin natutugunan ang isyu sa kahirapan, posibleng lomobo pa ito.

    Sinabi ni Polo na ang ugat talaga ng krimen na kinasasangkutan ng kabataan ay kahirapan dahil hindi naman nabibigyan ng sapat na kaalaman at edukasyon ang mga ito.

    "This is a face of poverty. It is not just a legal problem," sabi ni Polo.

    Karamihan aniya sa mga batang sangkot dito ay mga palaboy at hindi rin nagagabayan ng kanilang mga magulang.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Valte, payag magdonate para sa ALS; di pa tiyak kung sasabak sa ice bucket challenge August 31, 2014 15:45:07 »
  • METRO Bangkay, natagpuang nakasemento sa loob ng drum sa QC August 31, 2014 11:36:21 »
  • ENTERTAINMENT Charo Santos-Concio, kumasa sa ALS Ice Bucket Challenge August 31, 2014 11:17:58 »
  • SPORTS 3 Pinoy boxers, biyaheng Dubai ngayong Lunes para sa Pinoy Pride 27 August 31, 2014 15:28:54 »
  • REGION Mayor Duterte at anak na vice mayor, nagkasagutan dahil sa isyu kay Ramon Bautista August 30, 2014 20:14:10 »
  • WORLD Senegal, nakapagtala ng unang kaso ng Ebola August 30, 2014 20:11:02 »
  • GOOD NEWS 2 estudyanteng Pinoy, wagi ng gold at bronze sa Math contest sa China August 20, 2014 15:51:10 »