• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Kaligtasan ng US diplomats sa bansa, tiniyak ng Malakanyang

    By dzmm.com.ph | 03:31 PM 09/16/2012
  • image
    "Tiniyak ng Malakanyang ang kaligtasan ng mga diplomat at empleyado ng United States Embassy sa Maynila kasunod ng mga pag-atake sa mga konsulado ng Amerika sa ilang Muslim countries."

    Tiniyak ng Malakanyang ang kaligtasan ng mga diplomat at empleyado ng United States Embassy sa Maynila kasunod ng mga pag-atake sa mga konsulado ng Amerika sa ilang Muslim countries.

    Sa isang panayam, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na pinaigting na ng pamahalaan ang seguridad sa embahada sa pamamagitan ng pagtatalaga ng dagdag na pulis doon.

    Matatandaang nag-ugat ang kaliwa't kanang pag-atake ng mga Muslim sa mga Amerikano sa pelikulang "Innocence of Muslims" na inilalarawan umano ang Islam bilang "cancer" habang ipinapakita naman ang propetang si Mohammed na natutulog kasama ang mga babae.

    Ayon kay Valte, hindi niya nakikitang makakaapekto sa kamalayan ng mga Muslim sa Pilipinas ang naturang video o mauuwi rin ito sa karahasan.

    "The Muslim community here always conduct themselves with good will and sobriety."

    Una nang nasawi sa pag-atake ng mga Muslim sa konsulado ng Amerika sa Libya si American Ambassador Christopher Stevens at tatlo pang opisyal.

    Hinikayat naman ng Al-Qaeda in the Arabian Peninsula (AQAP) ang mga Muslim sa Middle East at Africa na atakehin pa ang mga US diplomatic mission.

    Samantala, ipinag-utos na ng Amerika ang pag-alis ng ilang personnel sa Sudan at Tunisia dahil sa pangambang madamay sa gulo. Report from ABS-CBNnews.com and AFP





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Kapwa akusado ni CGMA sa kasong plunder, arestado April 24, 2014 18:46:00 »
  • METRO Harapan ng MPD Station 1, hinagisan ng granada April 24, 2014 19:10:08 »
  • ENTERTAINMENT Kris Aquino, isinugod sa ospital dahil sa matinding init April 23, 2014 08:53:34 »
  • SPORTS Pacquiao, mukhang amateur sa laban vs Bradley - Mayweather April 24, 2014 17:37:45 »
  • REGION 14 sugatan sa pagsalpok ng bus sa isang puno sa CamSur April 24, 2014 16:10:33 »
  • WORLD Magnitude 6.7 na lindol, yumanig sa Vancouver, Canada April 24, 2014 13:21:27 »
  • GOOD NEWS Hamong malibot ang Europa nang walang pera, nalagpasan ng 3 Pinoy students April 20, 2014 18:30:25 »