• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power, ipinagdiriwang

    By dzmm.com.ph | 10:24 AM 02/25/2014
  • image
    "Ipinagdiriwang ngayong Martes ang ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution."

    Ipinagdiriwang ngayong Martes ang ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

    Ito ang unang pagkakataon na hindi sa EDSA Monument isasagawa ang programa.

    Napagdesisyunan ng administrasyon na dalhin sa mga sinalantang lugar ng kalamidad sa Visayas at Mindanao ang selebrasyon ng anibersaryo ng EDSA na may temang 'EDSA 28-- Kapit Bisig Tungo sa Pagbangon'.

    Nitong Lunes nang umarangkada ang paggunita sa makasaysayang rebolusyon sa araw na ito noong 1986, sa pamamagitan ng pulong-bayan ni PNoy sa Cateel, Davao Oriental, na sinalanta ng Bagyong Pablo taong 2012 at Bohol na nilindol nitong 2013. 

    Ngayong Martes, sa Cebu gaganapin ang pagsasadula ng "Salubungan" sa pagitan ng mga militar at mga sibilyan noong 1986. Pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagdiriwang doon.

    Ilang artista ang inaasahang gaganap sa mga personalidad sa salubungan bukod pa kay Senator Bam Aquino.

    Si Vice President Jejomar Binay naman ang mangunguna sa selebrasyon sa EDSA People Power monument sa Quezon City.

    Matapos sa Cebu, sunod na bibisitahin ng Pangulo ang Bantayan Island, Guiuan, Eastern Samar at Tanauan, Leyte na pinataob ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013.

    Lalapag din ang Pangulo sa Tacloban para tingnan ang mga proyekto ng health department doon. Report from ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Suspensyon ni Jinggoy, ipinatupad na ng Senado September 02, 2014 19:22:20 »
  • METRO Dagdag na enforcers, solusyon ng MMDA sa trapik sa EDSA September 02, 2014 17:23:04 »
  • ENTERTAINMENT Mark Gil, pumanaw na September 01, 2014 14:05:00 »
  • SPORTS Gilas Pilipinas, pinahirapan ang Argentina pero bigo pa ring manalo September 02, 2014 15:31:34 »
  • REGION 20,000 pamilya, apektado ng baha sa Maguindanao September 02, 2014 08:20:32 »
  • WORLD Mga manggagawa mula sa ilang bansang may Ebola, bawal na sa Saudi September 02, 2014 10:08:46 »
  • GOOD NEWS 2 estudyanteng Pinoy, wagi ng gold at bronze sa Math contest sa China August 20, 2014 15:51:10 »