• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly rainy
    • Baguio, 22°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Ex-Comelec Chair Abalos, idiniin sa sinasabing dayaan noong 2007 elections

    By dzmm.com.ph | 02:00 PM 06/07/2012

  • "Idiniit ng dating election officer na si Yogie Martirizar si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos sa sinasabing dayaan sa halalan noong 2007."

    Idiniit ng dating election officer na si Yogie Martirizar si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos sa sinasabing dayaan sa halalan noong 2007.

    Sa pagtestigo ni Martirizar sa pagdinig sa motion to bail ng dating Comelec chairman sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) branch 112 sa kasong electoral sabotage, sinabi nito na nagkaroon ng pulong ang mga election supervisor, election officer at election director sa Region XII sa apat na restoran sa Davao City noong Abril 25, 2007 kung saan tahasan anyang sinabi ni Abalos na papanalunin ang "Team Unity" ng dating administrasyong Arroyo, 12-0 para hindi raw mapahiya sa kanyang kumpareng si dating First Gentleman Mike Arroyo.

    Pinasinungalingan naman ni Abalos ang testimonya ni Martirizar.

    Habang tinatalakay naman ang mosyon kung papayagang tumestigo si Martirizar na akusado rin sa kaso, lumabas ng korte si Abalos kasama ang kanyang anak na si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.  

    Nilinaw naman ng matandang Abalos na nagpaalam siya kay Pasay City Regional Trial Court (RTC) branch 112 Judge Jesus Mupas bago lumabas ng korte dahil naging mainit na ang balitaktakan sa mosyon upang i-dismiss bilang testigo ang kapwa akusadong si Martirizar.

    Kinumpirma naman ni Mupas ang naturang pahayag ni Abalos.

    Muntik na sanang bumalik ng detention facility sa Southern Police District (SPD) si Abalos ngunit bumalik din sa korte upang tapusin ang pagdinig.

    Nauna nang pinayagan kahapon ng Pasay RTC branch 117 si Abalos na magpiyansa ng P200,000 kada bilang o kabuuang P2.2 milyon para sa 11 bilang ng electoral sabotage.

    Gayunman, hindi pinayagang makalaya si Abalos dahil may nakabinbing kaso sa branch 112.

    Nahaharap sa dalawang bilang ng kasong electoral sabotage ang dating Comelec chairman dahil umano'y dayaan noong 2007 elections, kasama si dating pangulong Gloria Arroyo at dating election supervisor Lintang Bedol. Reports from Dexter Ganibe, Radyo Patrol and Ron Gagalac, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Higit 750 OFWs sa Libya, nailikas na pa-Tunisia July 31, 2014 10:45:17 »
  • METRO Mag-inang pasakay ng jeep, nabangga ng UV express sa QC July 31, 2014 10:04:28 »
  • ENTERTAINMENT Leading men ng 'Once A Princess' na sina Enchong at JC July 30, 2014 17:19:27 »
  • SPORTS Pacquiao, planong magretiro sa 2016; posibleng tumakbong senador July 31, 2014 10:51:25 »
  • REGION 2,000 sako ng NFA rice na nire-repack bilang commercial rice, nasamsam ng NBI sa bodega sa Iloilo July 31, 2014 07:07:01 »
  • WORLD 19 patay, higit 100 sugatan sa pag-atake sa UN school sa Gaza July 30, 2014 16:28:50 »
  • GOOD NEWS Pinoy Math wizards, humakot ng 39 award sa South Korea July 28, 2014 10:03:00 »