• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 21°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Enrile: Pagpapatalsik kay Corona, immediately executory

    By Nikki delos Santos, dzmm.com.ph | 09:19 PM 05/30/2012

  • "Sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na ang hatol ng impeachment court na alisin sa pwesto si Corona ay dapat igalang ng Korte Suprema at ipatupad sa lalong madaling panahon."

    Immmediately executory.

    Ito ang mandato ng Senate impeachment court kasunod ng pagbaba ng guilty verdict kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

    Sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC), sinabi ni Enrile na ang hatol ng impeachment court na alisin sa pwesto si Corona ay dapat igalang ng Korte Suprema at ipatupad sa lalong madaling panahon.

    Walang reversible error

    Nanindigan naman ang Senate President na walang maling ginawa ang Senado sa paglilitis at pagbibigay ng hatol nito kay Corona.

    Sinunod aniya ng mga senator-judge ang Rules of Court at Rules of Impeachment na gumabay sa loob ng 43 araw na paglilitis.

    "There is no [reversible] error in the impeachment court."

    "The decision of impeachment court regarding admissibility of evidence."

    Grave abuse of power

    Samantala, iginiit ni Enrile na hindi inabuso ng Senado ang kapangyarihan nito na maglitis ng impeachment case.

    Ito'y sa harap ng posibilidad na dumulog sa Korte Suprema ang defense team ni Corona upang iapela ang hatol ng Senado.

    Ayon kay Enrile, malinaw na naging patas ang Senado sa magkabilang panig at isa sa pagpapatunay dito ay ang pagpayag niyang magbigay ng testimonya si Corona sa harap ng impeachment court.

    "If defense can find an instance where we commited grave abuse of discretion, but precisely in my case, I stretched the rules of evidence in favor of the defense so they would not complain of grave abuse of discretion on our part," ani Enrile.

    "Where in other countries would you put out a case where a witness was allowed to tesitify with a narrative speech? I allowed him to recite and say anything before the court," dagdag niya.

    SC, walang hurisdiksyon sa impeachment court

    Sinabi naman ni Enrile na naniniwala siyang igagalang ng Korte Suprema ang hatol ng Senado.

    Wala rin aniyang kapangyarihan ang SC na i-review ang desisyon ng impeachment court.

    "I know the members of the court will understand this."

    "We were given a special jurisdiction, the people remove this from the court."

    "We are outside of the jurisdiction of the SC... they cannot review our decision."

    Anarkiya at Constitutional Crisis

    Naniniwala naman ang Pangulo ng Senado na posibleng magkaroon ng anarkiya at krisis sa Saligang Batas kung ipipilit ng depensa na idulog sa SC ang guilty verdict.

    "We are not under the SC. We exercise a special jurisdiction granted us by the constitution."

    "If they will question the jurisdiction of the impeachment court and reverse the decision, they will divide the government."

    "If they want a constitutional crisis in this country, then they'll have one."

    "We will defy them? Who will enforce their order," sabi ni Enrile.

    "The senate has the sole power and decide on impeachment cases. A law must be enforced in this country otherwise, we will have anarchy."

    "There must be a firm hand to enforce the law in order to main the balance," pahayag pa ni Enrile.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Petisyon vs Torre De Manila, hindi muna dinisesyunan ng SC September 16, 2014 21:56:11 »
  • METRO Pag-inhibit ng judge na pumayag sa piyansa nina Cedric, Deniece, inihirit ni Vhong September 16, 2014 21:40:33 »
  • ENTERTAINMENT Billy Crawford, nagpasok ng not guilty plea sa mga kaso September 16, 2014 21:40:53 »
  • SPORTS Adamson, ginantihan ang UP para masungkit ang unang panalo September 16, 2014 21:56:58 »
  • REGION 7 sugatan sa pagsabog sa harap ng General Santos City Hall September 16, 2014 21:41:25 »
  • WORLD 500 pinangangambahang nasawi sa Mediterranean shipwreck September 15, 2014 21:51:00 »
  • GOOD NEWS Husay ng Pinoy students, kinilala sa Science fair sa Russia September 05, 2014 22:04:40 »