• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 21°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Ekonomiya ng PH, lumago ng 7.8% sa unang quarter ng 2013

    By dzmm.com.ph | 01:40 PM 05/30/2013
  • image
    "Lumago ng 7.8% ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng 2013."

    Lumago ng 7.8% ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng 2013.

    Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), ito na ang pinakamataas na gross domestic product (GDP) ng bansa sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino.

    Mas mataas ito ng 1.0% kumpara sa naitalang 6.8% na GDP ng bansa noong ika-apat na quarter ng 2012, at ng 1.4% kumpara sa 6.4% sa kaparehong panahon noong 2012.

    Sa tala ng NSCB, pangunahing nakatulong sa paglago ng ekonomiya ang pag-angat ng services sector ng 7.0%.

    Nakaambag pa ang manufacturing na lumago ng 9.7% dahil sa food manufactures, at construction na umangat ng 32.5%. Ito na ang ika-apat na sunod na beses na nakakuha ng two-digit na growth rate ang construction.

    Umangat naman ng 11.9% ang forestry, habang nakabawi ang sektor ng agrikultura sa 3.3% growth rate at fishing sa 5.5%.

    Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang GDP ng Pilipinas ngayong unang quarter ang pinakamataas kumpara sa malalakas na bansa sa East at Southeast Asia, tulad ng Indonesia na lumago lang ng 6%, Thailand sa 5.7%, Vietnam sa 4.9 at China na nakapagtala ng 7.7% na pagtaas. 

    Samantala, itinama ng NSCB ang unang ulat na umabot sa 6.6% ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas noong 2012. Anila, nakapagtala ng 6.8% na pag-angat ang bansa. With report from ABS-CBNnews.com

     





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Red rainfall warning, nakataas sa Metro Manila September 19, 2014 09:14:33 »
  • METRO Marikina River, alert level 4 na; forced evacuation, ipinatutupad September 19, 2014 08:53:08 »
  • ENTERTAINMENT Lea Salonga, magpe-perform sa ika-25 anibersaryo ng 'Miss Saigon' September 18, 2014 15:21:00 »
  • SPORTS Gilas Pilipinas, pinarangalan sa Kamara September 18, 2014 19:14:57 »
  • PAPAL VISIT 5 Bohol quake survivors, posibleng makasalo sa tanghalian ng Santo Papa September 17, 2014 12:57:56 »
  • REGION Binatilyong katutubo sa Palawan napagkamalang unggoy, binaril September 18, 2014 21:55:42 »
  • WORLD Guam, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol September 17, 2014 18:30:49 »