• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 26°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • DBM, dumistansya sa isyu ng P10-B pork barrel scam; nakaantabay sa NBI probe

    By dzmm.com.ph | 10:30 PM 07/17/2013
  • image
    "As we say, all of us saw this for the first time in the newspapers. We will just defer to the investigation that's being conducted by the DOJ (Department of Justice) and NBI. Other than that, there is little we can say."

    Mananatili sa P27 bilyon ang priority development assistance fund (PDAF) ng mga senador at kongresista sa 2014.

    Ito ang nakapaloob sa proposed allotment ng Department of Budget (DBM).

    Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, magkakaroon sila ng reporma upang mas matiyak na napupunta sa mga lehitimong proyekto ang PDAF ng mga mambabatas.

    Lilimitahan din anya ang mga proyektong maaaring pondohan ng pork barrel para masigurong matutugunan ang mga prayoridad ng administrasyon.

    Binigyang diin naman ni Abad na lahat ng PDAF requests ay isinasapubliko ng kagawaran sa website nito.

    P10-B pork barrel scam

    Samantala, dumistansya muna ang DBM sa umano'y P10 bilyong pork barrel ng ilang senador at kongresista na napunta sa pekeng non-government organization (NGO) at ghost projects.

    Ayon kay Abad, hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

    Pero nilinaw niyang hindi sila nagbibigay ng pondo sa mga NGO kundi sa mga ahensya ng pamahalaan.

    "As we say, all of us saw this for the first time in the newspapers. We will just defer to the investigation that's being conducted by the DOJ (Department of Justice) and NBI. Other than that, there is little we can say."

    "As far as DBM is concerned, we only release to agencies. We never release to non-government entities. And so insofar as the budget releases are concerned, on their face, they're all regular as far as we are concerned because the requests are endorsed to us by the respective committees on appropriation or finance by the chamber and on that basis we issue the allotments."

    "In the meantime, we await the findings of the DOJ and the NBI to see what really happened and on that basis because then that would hopefully include a diagnosis of what happened, then the appropriate remedies can be discussed and hopefully that DOJ and the NBI are able to conclude those investigations soon."

    Minomonitor din anya ng Commission on Audit (COA) ang paggamit ng mga mambabatas sa kanilang pork barrel. Report from Willard Cheng, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pork barrel para itulak ang BBL, itinanggi ng Malakanyang March 06, 2015 16:34:34 »
  • METRO FEU students, nagdaos ng black veil protest para sa SAF 44 March 06, 2015 16:08:11 »
  • ENTERTAINMENT Hollywood actor Harrison Ford, sugatan sa plane crash March 06, 2015 10:16:51 »
  • SPORTS Pacquiao, nagsimula nang mag-ensayo sa US para sa laban kay Mayweather March 03, 2015 21:30:48 »
  • PAPAL VISIT Pope Francis, sumulat sa mga taga-Leyte February 03, 2015 16:53:39 »
  • REGION Mga residenteng lumikas dahil sa military ops vs BIFF, higit 47,000 na March 06, 2015 11:55:49 »
  • WORLD US actor Harrison Ford, sugatan sa plane crash sa LA - reports March 06, 2015 08:25:38 »