• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • CGMA, nagpasok ng 'not guilty plea' sa kasong electoral sabotage

    By Nikki delos Santos, dzmm.com.ph | 07:39 AM 02/24/2012

  • "Nagpasok ng "not guilty" plea si dating pangulo at  ngayo'y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong electoral sabotage. "

    (UPDATE) Nagpasok ng "not guilty" plea si dating pangulo at  ngayo'y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong electoral sabotage.

    Alas-7:48 ng umaga nang umalis ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City ang convoy ng dating pangulo patungo sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

    Dumaan ng Monumento papuntang Road 10 diretso sa Roxas Boulevard ang convoy ng dating pangulo upang makaiwas sa bigat ng trapiko.

    Ito ang unang pagkakataong lumabas ng VMMC ang dating pangulo na dalawang buwan nang naka-hospital arrest.

    Nauna namang dumating sa Pasay RTC sina dating first gentleman Mike Arroyo at Ang Galing Pinoy Partylist Representative Mikey Arroyo pasado alas-8:00 ng umaga.

    Mag-a-alas:8:38 naman nang dumating ang convoy ni Ginang Arroyo kung saan nakasakay siya sa puting coaster kasama ang anak na si Camarines Sur Representative Dato Arroyo.

    Kasama rin ng dating pangulo ang kanyang tagapagsalitang si Elena Bautista-Horn.

    Nakasuot ng puting damit at naka-neck brace ang dating pangulo at hindi na siya gumamit ng wheelchair papasok ng korte.

    Hindi na ipinabasa pa ng dating pangulo ang impormasyon ng kanyang kaso at agad naghain ng "not guilty plea." 

    Agad ding umalis si Ginang Arroyo at ang kanyang convoy at hindi na rin nagpaunlak pa ng panayam sa media.

    Sa EDSA na dumaan pabalik ng VMMC ang convoy.


    May mahigit 1,000 tagasuporta naman ng dating pangulo na naka-suot ng puti ang nagmartsa sa FB Harrison patungong Pasay RTC.

    Pero umuwi rin agad ang mga ito bago pa man makarating sa paligid ng korte.

    Samantala, ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, tagapagsalita ng dating first gentleman, ang paghahain ng "not guilty" ang unang hakbang ng kampo ni Ginang Arroyo upang mapawalang-sala ang dating pangulo.

    Sinabi rin ni Topacio na pag-uusapan pa sa korte kung maaaring i-house arrest na lang ang dating pangulo, kapalit ng kanyang hospital arrest sa VMMC.

    Itinakda naman ang pre-trial sa Abril 19.

    Nahaharap sa kasong electoral sabotage ang dating pangulo gayundin sina dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos at dating election officer Lintang Bedol dahil sa umano'y dayaan noong 2007 elections. Reports from Dexter Ganibe, Radyo Patrol; Zhander Cayabyab, Radyo Patrol; Johnson Manabat, Radyo Patrol; Jorge Cariño, ABS-CBN News and Atom Araullo, ABS-CBN News




Leave A Comment




 



  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »