• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly rainy
    • Baguio, 25°C
      Partly rainy
    • Cebu City, 31°C
      Partly stormy
  • CGMA, iimbitahan sa Senado kaugnay ng umano'y maanomalyang 'bridge program'

    By dzmm.com.ph | 09:10 PM 09/18/2012
  • image
    "Iimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Pangulong Arroyo kaugnay ng umano'y P111 bilyong halaga ng mga tulay na hindi naman napakinabangan. "

    Iimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para sa imbestigasyon sa umano'y pinakamalaking anomalya sa dating administrasyon.

    Ito'y kasunod ng pagbubunyag ni Sen. Serge Osmeña ang umano'y P111 bilyong halaga ng mga tulay na hindi naman napakinabangan.

    Ayon sa senador, inutang ng gobyerno ng dating Pangulo ang mahigit P111 bilyon para matustusan ang mga tulay mula taong 2000 hanggang 2008 kasabwat umano ang ilang malalapit sa kanyang gabinete.

    Sinabi naman ni Sen. Teofisto "TG" Guingona III, chairman ng komite, na imbitasyon lang ang ipadadala sa dating Pangulo bilang respeto dahil kasalukuyan itong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

    Itinakda sa Lunes, Setyembre 24 ang pagdinig bagama't aalamin pa ni Guingona kung sino-sino pa ang dapat imbitahan sa imbestigasyon. Report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL ABS-CBN: Iginagalang namin ang desisyon ni Taberna August 31, 2015 18:02:04 »
  • METRO Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, babawasan simula Sep. 1 August 31, 2015 17:04:58 »
  • ENTERTAINMENT Julia Montes, hindi na-offend nang hindi makilala ni Ariel Rivera August 21, 2015 13:56:10 »
  • SPORTS Jordan Clarkson, pwedeng maglaro sa Gilas pero... August 25, 2015 19:43:54 »
  • REGION 5 mountaineers patay, 1 nawawala sa pagkalunod sa creek sa Tarlac August 31, 2015 16:40:48 »
  • WORLD Dayuhang suspek sa Bangkok blast, timbog August 30, 2015 11:53:57 »
  • GOOD NEWS Mga payo, kwento ng inspirasyon mula sa photographer na DH sa Hong Kong August 11, 2015 17:02:28 »