• PANAHON
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Cebu City, 34°C
      Partly cloudy
  • Bilang ng mga underemployed na Pinoy, pumalo na sa 8.5-M

    By dzmm.com.ph | 09:11 PM 09/18/2012
  • image
    "Umaabot na sa 8.5 milyong Filipino ang underemployed batay sa pinakahuling survey ng National Statistics Office (NSO). "

    Umaabot na sa 8.5 milyong Filipino ang underemployed batay sa pinakahuling survey ng National Statistics Office (NSO).

    Ang underemployed ay mayroon nang trabaho pero gusto pang kumuha ng ibang trabaho para mapunan ang pangangailangan.

    Sa survey ng NSO noong Hulyo, pumapalo na sa 22.7% o katumbas na 8.5 milyong Pinoy ang underemployed na siyang pinakamataas na antas na nakuha sa loob ng anim na taon.

    Noong Abril, pumapalo sa 7.3 milyon ang mga Pinoy na underemployed.

    Halos hindi naman gumalaw ang bilang ng mga walang trabaho na naitala sa 7% noong Hulyo habang 6.9% noong Abril.

    Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho sa Southeast Asia kumpara sa Indonesia, Singapore at Thailand. Report from Zen Hernandez, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL PAGASA: Mas malalakas na bagyo, posible dahil sa El Niño May 30, 2015 15:41:57 »
  • METRO Public school sa Caloocan, tumanggap ng mga upuang gawa sa ilegal na troso May 30, 2015 12:42:13 »
  • ENTERTAINMENT Bakit tumanggi si Jodi nang unang ialok ang 'Pangako Sa 'Yo'? May 26, 2015 20:31:33 »
  • SPORTS NCAA, balik ABS-CBN May 18, 2015 22:55:08 »
  • REGION 2 bomba, sumabog sa Sulu May 29, 2015 22:59:44 »
  • WORLD Mga Pinoy sa Baghdad, pinapauwi na May 29, 2015 18:14:26 »
  • GOOD NEWS TINGNAN: Vigan, hinirang na kabilang sa New7Wonder Cities May 08, 2015 12:48:38 »