• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Cloudy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • Belmonte: Technical working group para sa RH Bill, posibleng hindi na buuin

    By dzmm.com.ph | 16:20 PM 09/13/2012
  • image
    "Posibleng hindi na matuloy ang pagbubuo ng technical working group (TWG) para sa Reproductive Helath Bill (RH Bill)."

    Posibleng hindi na matuloy ang pagbubuo ng technical working group (TWG) para sa Reproductive Helath Bill (RH Bill).

    Sinabi ni House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr. na ito'y kung walang partido o sektor na makikibahagi sa naturang grupo.

    Ayon kay Belmonte, mawawalan ng saysay kung silang mga mambabatas lamang ang makikilahok sa TWG.

    Sa harap ito ng hamong totohanin ng Catholic Bishops Conference (CBCP) ang pahayag nitong hindi ito makikilahok sa grupo na tatayong arbiter sa mga panig at kontra sa panukalang batas.

    Anya, aalamin muna niya kung sinu sino ang kumpirmadong lalahok sa TWG bago siya magdesisyon para sa pagbuo ng technical working group.

    Samantala tiwala naman si Belmonte na aabot sa botohan RH Bill sa kabila ng mariing pagtutol ng Simbahang Katolika dahil sa huli ang mga mambabatas pa rin anya ang magdedesisyon at hindi ang mga obispo. Report from Jon Ibañez, Radyo Patrol 35



Leave A Comment




 



  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Lagman, ibinulgar ang intel funds ng mga Comelec commissioner May 22, 2013 23:46:05 »
  • METRO Lalaking lasing, patay matapos makuryente sa Maynila May 23, 2013 00:18:48 »
  • ENTERTAINMENT Judy Ann Santos, magbabalik na sa Primetime Bida May 22, 2013 23:32:09 »
  • SPORTS PH, umani ng medalya sa Cheerleading Asia Int'l Open Championships May 22, 2013 20:50:17 »
  • REGION Russian tourist na umakyat sa Mayon, natagpuan na May 22, 2013 23:45:44 »
  • WORLD NoKor leader Kim Jong-un, nagpadala ng special envoy sa China May 22, 2013 13:03:46 »
  • GOOD NEWS 24 preso sa Bilibid, nagtapos ng kursong management May 22, 2013 23:29:53 »