• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Bahagi ng speech ni Sotto, kinuha at tinagalog lang umano na speech ni Kennedy

    By Erik Tenedero, dzmm.com.ph | 10:02 PM 09/05/2012

  • "Muli na namang inaakusahan ngayon si Sen. Vicente Sotto III ng pangongopya ng bahagi ng kaniyang talumpati sa Senado bilang pagkontra sa Reproductive Health Bill (RH Bill).   "

    Muli na namang inaakusahan ngayon si Sen. Vicente Sotto III ng pangongopya ng bahagi ng kaniyang talumpati sa Senado bilang pagkontra sa Reproductive Health Bill (RH Bill).

    Sa micro-blogging site na Twitter, binibigyang punto ng mga users kung paanong ang huling bahagi ng speech ni Sotto ay kinuha at tinagalog lang umano na bahagi ng speech ni US Senator Robert F. Kennedy.

    Narito ang huling bahagi ng speech ni Sotto:

    Iilan ang magiging dakila sa pagbali ng kasaysayan, subalit bawat isa sa atin ay maaaring kumilos, gaano man kaliit, para ibahin ang takbo ng mga pangyayari.

    Kapag pinagsama-sama ang ating munting pagkilos, makalilikha tayo ng totalidad na magmamarka sa kabuuan ng kasaysayan ng henerasyong ito.

    Ang mga hindi-mabilang na iba’t ibang galaw ng katapangan at paninindigan ang humuhubog sa kasaysayan ng sangkatauhan.

    Tuwing naninindigan tayo para sa isang paniniwala, tuwing kumikilos tayo para mapabuti ang buhay ng iba, tuwing nilalabanan natin ang kawalan ng katarungan, nakalilikha tayo ng maliliit na galaw.

    Kapag nagkasama-sama ang mumunting galaw na mga ito, bubuo ito ng isang malakas na puwersang kayang magpabagsak maging ng pinakamatatag na dingding ng opresyon.

    Narito naman ang sinasabing bahagi ng talumpati ni Kennedy:

    Few will have the greatness to bend history; but each of us can work to change a small portion of the events, and in the total of all these acts will be written the history of this generation.

    It is from numberless diverse acts of courage such as these that the belief that human history is thus shaped.

    Each time a man stands up for an ideal, or acts to improve the lot of others, or strikes out against injustice, he sends forth a tiny ripple of hope, and crossing each other from a million different centers of energy and daring those ripples build a current which can sweep down the mightiest walls of oppression and resistance.

    Ang speech na ito ni Kennedy ay inilahad sa Day of Affirmation sa University of Cape Town sa South Africa taong 1966.

    Depensa ni Sotto, hindi niya alam na ang huling bahagi ng kaniyang turno en contra speech ay nanggaling sa sikat na talumpati ni Kennedy.

    Aniya, kinuha niya ito mula sa text message na ipinadala sa kaniya at tinagalog lang niya.

    "Nakakatawa na sila. Sila ang komiko, hindi ako," dagdag pa ni Sotto.

    Kamakailan lang ay naging mainit ang mga akusasyon laban kay Sotto dahil sa umano'y pagkuha nito ng bahagi ng isinulat ng American blogger na si Sarah Pope para gamitin sa kaniyang talumpati kontra RH Bill. With reports from Ryan Chua, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Higit 50k free wi-fi spots sa PH, popondohan sa 2015 November 21, 2014 22:08:36 »
  • METRO Lalaki, nang-hostage ng empleyado ng karinderya sa Makati November 21, 2014 22:03:10 »
  • ENTERTAINMENT Lani Misalucha, tampok sa Christmas Station ID 2014 ng DZMM November 21, 2014 14:16:29 »
  • SPORTS UAAP 77 Volleyball, papalo na ngayong Sabado November 21, 2014 16:00:34 »
  • PAPAL VISIT Papal Visit committee, bukas para sa mga donasyon November 20, 2014 21:06:03 »
  • REGION 3 lalaki, patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Batangas November 21, 2014 13:12:11 »
  • WORLD Sierra Leone doctor sa US, patay sa Ebola November 18, 2014 09:15:00 »