• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 30°C
      Cloudy
  • Bagyong Lawin, bahagyang lumakas; posibleng lumabas ng PAR sa Sabado

    By Nikki delos Santos, dzmm.com.ph | 01:30 PM 09/24/2012
  • image
    "Bahagyang lumakas ang Bagyong Lawin habang tinatahak ang direksyong pa-hilaga, hilagang kanluran, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)."

    Bahagyang lumakas ang Bagyong Lawin habang tinatahak ang direksyong pa-hilaga, hilagang kanluran, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

    Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni PAGASA weather forecaster Connie Rose Dadivas na huling namataan ang bagyo sa layong 480 kilometro silangan ng Legazpi City kaninang alas-4:00 ng umaga.

    Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 210 kph.

    Bahagya rin itong bumagal sa bilis na pitong kilometro kada oras.

    Inaasahang nasa layong 420 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes bukas ng umaga si "Lawin."

    Bagama't bahagyang lumakas ay hindi naman ito inaasahang tatama sa kalupaan kaya't ibinaba na rin ng PAGASA ang public storm warning signal nito.

    Gayunman, makakaranas pa rin ang Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon ng "paminsan-minsang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan pagkulog at pagkidlat."

    "Samantala, ang MIMAROPA, kabikulan, kabisayaan at ang Mindanao ay magkakaroon ng  maulap na kalangitan na may paminsan-minsang katamtaman hanggang sa malakas na  pag-ulan, na maaring magdala ng pagbaha at pagguho ng lupa," ani Dadivas.

    Inaasahan namang tatagal pa hanggang Sabado ng gabi sa Philippine area of reponsibility (PAR) si "Lawin" dahil sa kabagalan nito.

    "Sa ngayon kung di magbabago ang galaw nito kasi medyo mabagal pa rin itong Bagyong Lawin, sa nakikita natin sa ating mga models, ang forecast natin mga Sabado po nasa loob  pa rin ng boundary and hopefully by Saturday night or Sunday morning nasa labas na po ito  ng boundary ng PAR," aniya.

    Samantala, may panibagong sama ng panahon ang namataan ng PAGASA sa labas ng PAR ngunit hindi naman ito inaasahang papasok dito.

    "May namataan sa labas ng PAR pero inaasahan naman nating hindi ito papasok," aniya.

    Una nang sinabi ng PAGASA ng may isa pang bagyo ang inaasahang papasok sa PAR bago matapos ang Setyembre





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Senado, pinapa-track ang mga no show na dawit sa 'Hacienda Binay' October 31, 2014 12:51:42 »
  • METRO Grupo ng mga guro, sumugod sa Mendiola October 30, 2014 18:04:29 »
  • ENTERTAINMENT 'Sendong', 'Pablo' at 'Yolanda' report ng ABS-CBNnews.com, wagi ng Asian environmental award October 31, 2014 08:44:19 »
  • SPORTS Coach Chot sinibak sa pwesto, bagong Gilas bubuuin October 30, 2014 18:34:21 »
  • PAPAL VISIT Official photographer ng Papal visit, napili na October 28, 2014 20:34:34 »
  • REGION 2 patay, higit 40 sugatan sa pagbangga ng bus sa trak sa Lipa, Batangas October 31, 2014 07:55:08 »
  • WORLD 10 patay, 30 sugatan sa banggaan ng school bus at tanker sa Brazil October 29, 2014 07:53:33 »