• PANAHON
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 26°C
      Cloudy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • 5 international carriers, lilipat sa NAIA 3

    By dzmm.com.ph | 11:26 AM 01/19/2014
  • image
    "Mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, lilipat na ang limang international flight carriers sa Terminal 3."

    Mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, lilipat na ang limang international flight carriers sa Terminal 3.

    Inaasahang makakalipat ang Singapore Airlines, Cathay Pacific, Delta Air, KLM Royal Dutch Airlines at Emirates Airlines sa Hulyo ngayong taon, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

    Inaasahang mababawasan ang traffic congestion sa NAIA 1 sa paglipat ng nasabing mga airline.

    Mananatili naman ang Saudi Arabian flight carrier na Saudia sa Terminal 1.

    Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, babantayan ng kanilang grupo ang operasyon sa paliparan ng Terminal 3 para malaman kung kakayanin pang maglipat ng ibang airlines doon.

    Itinuring na "worst airport in the world" ng 2013 ang NAIA 1 ng travel website na Sleeping In Airports habang pang-walo naman ito sa "10 Worst Airports in the World" list ng Wall St. Cheat Sheet. Report from ANC





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Recruiter ni Mary Jane, arestado ng NBI May 05, 2015 20:11:26 »
  • METRO Banta ng pagpapasabog sa ilang mall, itinanggi ng AFP May 05, 2015 18:38:03 »
  • ENTERTAINMENT Karen Davila, 'Sexiest Woman Alive' May 05, 2015 20:17:02 »
  • SPORTS Pacquiao, posibleng kasuhan May 05, 2015 18:21:13 »
  • REGION Opensiba vs BIFF, tuloy kahit patay na si Usman May 05, 2015 13:26:05 »
  • WORLD Kate Middleton, nagsilang ng sanggol na babae May 02, 2015 19:21:08 »
  • GOOD NEWS Sekyu sa NAIA, nagsoli ng $10,700, laptop April 27, 2015 21:50:50 »