• PANAHON
    Manila, 31°C
    Cloudy
    • Baguio, 24°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Rainy
  • 4 Germans at 1 Pinoy, patay sa pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon

    By dzmm.com.ph | 09:12 AM 05/07/2013
  • image
    "Apat na Germans at isang Pinoy ang nasawi sa pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon sa Albay, Martes ng umaga."

    (UPDATE) Patay ang apat na Germans at isang Pinoy matapos magbuga ng makapal na abo ang Bulkang Mayon sa Albay, Martes ng umaga.

    Sa panayam ng DZMM Correspondent, kinilala ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRMC) head at Albay Gov. Joey Salceda ang mga dayuhan na sina Joan Edosa, Roland Tieza, Farah Franes at Furian Stellfer.

    Si Jerome Berin naman ang nasawing Pinoy tour guide.

    Gayunman, sinabi ni Salceda na hindi pa narerekober ang mga bangkay na hinihinalang nadaganan ng nagbabagang bato, dahil prayoridad nila ang mga sugatan na mountain climbers na nananatili sa bulkan.

    "Naka-rescue na tayo ng anim, nadagdagan ng dalawa, so anim na lang ang injured sa taas... Number 1 priority injured, number 2 'yung nahirapan lang [makababa] at pangatlo 'yung patay, so uunahin natin 'yung mga buhay."

    Kabilang sa mga sugatan ang dalawang Thai na sina Nithi Ruangpisit at Tanut Ruchipiyrak, isang Austrian na si Sabine Strohberger at mga Pinoy na sina Bernard Hernandez, Calicto Balunso at Kenneth Jesalva.

    Nakikipag-ugnayan na ang German Embassy sa provincial government para sa anumang maaaring maitutulong sa search and recovery operations.

    Alert Level Zero

    Samantala, sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na normal lang ang phreatic explosion o pagbuga ng abo na may kasamang volcanic rocks ng Mayon.

    Wala anyang naitalang magmatic activity kaya nananatili ang Alert Level Zero sa lugar.

    "We maintain it, Alert Level Zero, meaning there's no any new magmatic activity."

    "What happened to Mayon Volcano this morning is essentially a hydrothermal or steamed driven explosion."

    Hindi naman masabi ng Phivolcs kung masusundan pa ang naganap na pagbuga ng abo.

    Human activity, sinuspinde

    Sa kabila naman ng nananatiling Alert Level Zero, ipinagbawal muna ni Salceda ang lahat ng aktibidad sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone sa Bulkang Mayon.

    Wala naman anyang ipatutupad na paglilikas pero bawal muna ang pagsasaka, mountain climbing, orchid gathering, all-terrain vehicle (ATV) tour at iba pang aktibidad ng mga turista sa bulkan.

    Pero binigyang diin ni Salceda sa oanayam ng DZMM Correspondent na walang naninirahan sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone ng bulkan..

    Nakapasok aniya ang mountain climbers sa danger zone dahil hindi naman ito ipinagbabawal kung Alert Level Zero sa lugar.

    "Ibig sabihin [ng 6-kilometer permanent danger zone], no human activity doon. Ang interpretation po, 'pag Alert Level Zero, no habitation lang. Walang namamahay doon, wala naman talagang namamahay doon. [Pwede 'yung mountain climbers] 'pag Alert Level Zero, dadaan ka sa 6-kilometer danger zone paakyat sa crater."

    Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang patakaran ng local government sa pagpasok ng mga mountain climbers sa 6-kilometer permanent danger zone. With report from Rose Orbita, DZMM Correspondent





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Mas magandang serbisyo ng MRT at LRT, ipinangako ng DOTC sa pagtaas ng pasahe December 22, 2014 07:32:33 »
  • METRO 12 sugatan sa pagsalpok ng bus sa jeep sa QC December 21, 2014 19:45:13 »
  • ENTERTAINMENT Ara Mina sa pagiging bagong ina December 21, 2014 08:06:42 »
  • SPORTS Thailand, kampeon sa 2014 AFF Suzuki Cup December 21, 2014 19:45:30 »
  • PAPAL VISIT Iskedyul ng 'no fly zone' sa pagbisita ni Pope Francis December 20, 2014 18:32:28 »
  • REGION Mabalacat whistleblower na namatayan ng anak, nagpapasaklolo kay PNoy December 21, 2014 19:44:04 »
  • WORLD 8 bata, pinatay umano sa saksak sa Australia December 19, 2014 17:50:14 »