• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • 42 aftershocks, naitala matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Negros; tsunami alert, inalis na

    By Pau Atienza, dzmm.com.ph | 15:42 PM 02/06/2012

  • "(UPDATE 2) Inalis na ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang ipinalabas nitong tsunami alert number 2 sa Negros at Cebu islands matapos tumama ang magnitude 6.9 na lindol kaninang alas 11:49 ng umaga."

     

    (UPDATE 3) Inalis na ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang ipinalabas nitong tsunami alert number 2 sa Negros at Cebu islands matapos tumama ang magnitude 6.9 na lindol kaninang alas 11:49 ng umaga.

    Bago mag-alas 3:00 ngayong hapon nang alisin ang tsunami alert pero bandang alas 2:00 ng hapon, iniulat ni Dr. Ismael Narag, officer-in-charge ng Seismology Division ng Phivolcs na may naitala na silang bahagyang paggalaw ng tubig sa pagitan ng Cebu at Negros pero hindi malaki at hindi mapaminsala.

    Samantala, nakapagtala na ng 42 aftershocks ang Phivolcs hanggang kaninang alas 2:06 ng hapon.

    Pinakamalakas na naitala ay magnitude 5.8.

    Lumawak din ang mga lugar na naramdaman ang lindol:

    Intesity 7, naramdaman sa Dumaguete City at Valle Hermoso, Negros Oriental;

    Intensity 6 - La Carlota City at La Castellana, Negros Occidental at Argao, Cebu

    Intensity 5 - Roxas City, Dao at Ivisan, Capiz; Iloilo City; Ayungon, Negros Oriental; Kanlaon City, Lapu-lapu City; Guimaras, Cebu City, San Carlos City, Bacolod City, Tagbilaran City at Binalbagan, Negros Occidental

    Intensity 4 - San Jose de Buenavista, Pandan, Anini-Y at Patnongon Antique; Kalibo, Aklan; Dipolog City, Sipalay, Negros Occidental at Ormoc City

    Intensity 3 sa Butuan City, Agusan del Norte; Legaspi City, Albay; Carmen, Cagayan de Oro: Tacloban City, Leyte; Catbalogan, Samar St. Bernard, Southern Leyte; Masbate City at Cagayan de Oro City

    Intensity 2 - Cabid-an, Sorsogon; Borongan, Eastern Samar at Mambajao, Camiguin

    Intensity 1 - Pagadian City

    Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Mario Montejo na sampung segundong naramdaman ang pagyanig kaninang umaga.

    Nilinaw naman ni Phivolcs Deputy Executive Director Bart Bautista na ang naganap na lindol kanina ay walang kinalaman sa serye ng mga pagyanig sa Leyte nitong weekend.

    ""Yung earthquake, walang kinalaman sa lindol sa Leyte, separate structure ang gumalaw sa Leyte. sa ngayon, sinasabi lang namin na yung eartquake (sa Negros) ay nangyari sa isang unmapped fault sa may negros island," ayon kay Bautista. With reports from Dennis Datu, Radyo Patrol 42 and Charlie Mendoza, DZMM Correspondent




Leave A Comment




 

sheryl  February 06, 2012 15:45:12

just want to verify if everything is alright?

 
upload pictures if they have after sa lindol thanks  February 06, 2012 15:32:28

please update naman ano nangyari pagka tapos thanks

 
Your Name  February 06, 2012 14:05:21

mabuti pa dito sa website iyo nabasa ko ang news.nilindol kasi kami rito sa dipolog that time,,dka tulad sa www.phivolcs.dost.gov.ph error 504

 
Egenita  February 06, 2012 13:48:19

taga negros kami malapit sa dagat bahay namin

 
JayMark Gutlay  February 06, 2012 13:24:33

OMG ! Please everybody . Let's us pray for them . God is GOOD . Don't lose hope .

 


  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »