• PANAHON
    Manila, 31°C
    Cloudy
    • Baguio, 24°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Rainy
  • 3 Marines, 2 Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Sulu

    By Henry Atuelan, Radyo Patrol 44 | 10:55 PM 10/28/2012

  • "Lima ang patay sa bakbakan ng militar at mga hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu."

    Lima ang patay sa bakbakan ng militar at mga hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

    Kabilang sa mga napatay ang tatlong miyembro ng Marines habang dalawang bandido ang nasawi kung saan isa rito ang nakilalang si Kaisar.

    Sugatan sa bakbakan ang 10 sundalo.

    Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WesMinCom) spokesperson, Lt. Col. Randolph Cabangbang, nagpapatrulya ang mga miyembro ng Marine Battalion landing team 6 sa bahagi ng Tahil Sali sa Barangay Bakong nang makasagupa ang hindi pa matukoy na dami ng mga bandido na hinihinalang pinamumunuan ni Radullan Sahiron.

    Iniutos na ni AFP WesMinCom Chief, Major General Rey Ardo ang pagpapakalat ng karagdagang tropa sa lugar para matiyak na marerekober ang lahat ng sugatan at napatay na miyembro ng militar sa nasabing bakbakan.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 3 opisyal ng NBP, sinibak December 19, 2014 19:13:17 »
  • METRO Mabigat na daloy ng trapiko, asahan ngayong Biyernes - MMDA December 18, 2014 21:55:28 »
  • ENTERTAINMENT Robin Padilla: 'Sa Bilibid niluluto ang shabu' December 19, 2014 18:17:35 »
  • SPORTS Pacman kay Mayweather: Pagbigyan natin ang boxing fans December 17, 2014 10:20:06 »
  • PAPAL VISIT Santo Papa, nagdiwang ng ika-78 kaarawan December 17, 2014 20:55:10 »
  • REGION Temperatura sa Baguio, bumagsak na sa 12.0°C December 18, 2014 13:23:33 »
  • WORLD 8 bata, pinatay umano sa saksak sa Australia December 19, 2014 17:50:14 »