• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • 2 nagpanggap na miyembro ng Iglesia Ni Cristo, arestado sa tangkang pangongotong

    By dzmm.com.ph | 09:09 AM 04/24/2013

  • "Nadakip ng pulisya ang dalawang lalaking nagpanggap na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) at nagtangkang mangotong kay United Nationalist Alliance (UNA) Spokesman Toby Tiangco."

    Nadakip ng pulisya ang dalawang lalaking nagpanggap na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) at nagtangkang mangotong kay United Nationalist Alliance (UNA) Spokesman Toby Tiangco.

    Ayon kay Supt. Emma Libunao ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasong estafa with other form of deceit ang kakaharapin nina Anthony Tanquintic, 47-anyos ng Marikina at isang Ruben Policarpio ng Quezon City.

    Nag-text umano ang dalawang suspek kay Tiangco at nag-alok na susuportahan ng INC ang dalawang senatorial bet ng UNA kapalit ng P50 milyon.

    Nag-abiso naman ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo na hindi nila miyembro ang dalawa kaya agad nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad.

    Isasailalim na sa inquest proceedings ang dalawang suspek. Reports from Robert Mano, DZMM Correspondent and ABS-CBNnews.com





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Janet Napoles, nakapiit na sa Camp Bagong Diwa July 29, 2014 22:21:33 »
  • METRO Motorcycle rider, naipit sa gulong ng bus sa EDSA July 29, 2014 22:00:24 »
  • ENTERTAINMENT Kris kay PNoy: Please stay alive July 29, 2014 22:19:21 »
  • SPORTS UST, nalusutan ang Adamson July 26, 2014 21:36:28 »
  • REGION 7 magkakamag-anak sa Ilocos Norte, hinihinalang nalason sa kabute July 29, 2014 22:21:03 »
  • WORLD Heatwave sa Japan, pumatay na ng 15; libo-libo, naospital July 29, 2014 22:19:58 »
  • GOOD NEWS Pinoy Math wizards, humakot ng 39 award sa South Korea July 28, 2014 10:03:00 »