• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • 10 pang party-list groups, dinisqualify ng Comelec

    By dzmm.com.ph | 09:54 PM 11/14/2012

  • "Panibagong 10 party-list group ang dinis-qualify ngayon ng Commission on Elections habang inilabas na ng Korte Suprema ang status quo ante order na nagpapatigil sa Comelec na i-disqualify ang naunang 8 grupo.  "

    Matapos ang pagpapatigil ng Korte Suprema sa disqualification ng walong party-list group, panibagong 10 grupo naman ang dinis-qualify ng Commission on Elections (Comelec).

    Kinansela ng Comelec en banc ang accreditation ng incumbent partylist groups na Abot Tanaw at Abroad.

    Ibinasura naman ang application ng grupong Guardian, Hukbong Querubin, Ilaw, Samahang Ilocanong Magsasaka, Angat Ahon Magsasaka, Good, Una Edukasyon at ang grupo ng mga empleyado ng gobyerno na COURAGE.

    Inaprubahan naman ng Comelec ang accreditation ng Ang Nars partylist group. 

    SC status quo ante order

    Samantala, pormal nang inilabas ng Korte Suprema ang status quo ante order na nagpapatigil sa Comelec para ipatupad ang una nitong resolusyon na nag-disqualify sa walong party-list groups.

    Kabilang dito ang mga sumusunod:

    - AKO BICOL (AKB)
    - Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC)
    - Aksyon Magsasaka-Partido Tinig ng Masa (AKMA-PTM)
    - Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala, Inc. (KAKUSA)
    - Consumers Alliance for Rural Energy, Inc. (1-CARE)
    - Alliance for Rural and Agrarian Reconstruction, Inc. (ARARO)
    - Association for Righteousness Advocacy on Leadership (ARAL)
    - Alliance for Rural Concerns (ARC)

    Matatandaang Martes ng hapon, una nang ibinalita ng ABS-CBN News ang napipintong pagpapalabas ng Korte Suprema ng resolusyon na pansamantalang nagpapatigil sa diskwalipikasyon ng mga nabanggit na party-list.

    Inuutusan naman ng Korte Suprema ang Comelec na magkomento sa petisyon. Reports from Arnell Ozaeta, Radyo Patrol and Alex Calda, Radyo Patrol 43





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Trapiko sa NLEx at SLEx, inaasahang magsisikip ngayong Linggo November 01, 2014 20:45:16 »
  • METRO 2 hinihinalang salvage victim, natagpuan sa Rizal November 01, 2014 20:24:06 »
  • ENTERTAINMENT 'Sendong', 'Pablo' at 'Yolanda' report ng ABS-CBNnews.com, wagi ng Asian environmental award October 31, 2014 08:44:19 »
  • SPORTS Azkals, tinalo ang Nepal sa friendly match sa Qatar November 01, 2014 10:19:34 »
  • PAPAL VISIT Official photographer ng Papal visit, napili na October 28, 2014 20:34:34 »
  • REGION 2 patay sa pagkahulog ng van sa bangin sa Cotabato November 01, 2014 19:52:33 »
  • WORLD 100 nawawala sa mudslide sa Sri Lanka October 31, 2014 20:57:05 »