• PANAHON
    Manila, 29°C
    Rainy
    • Baguio, 22°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 32°C
      Rainy
  • 'Pablo', tumama na sa kalupaan ng Baganga, Davao Oriental

    By dzmm.com.ph | 01:03 PM 12/04/2012
  • image
    "Nag-landfall na ang Bagyong Pablo sa Baganga, Davao Oriental kaninang alas-4:45 ng madaling-araw. "

    (UPDATE 2) Nag-landfall na ang Bagyong Pablo sa Baganga, Davao Oriental kaninang alas-4:45 ng madaling-araw.

    Alas-7:00 ng umaga natamaan ng PAGASA si "Pablo" malapit sa Laak, Compsotella Valley o sa layong 80 kilometers (km) timog-silangan ng Malaybalay,Bukidnon.

    Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging umaabot sa 175 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 210 kph habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 26 kph.

    May lawak na aabot sa 600 kilometro ang bagyo, na nakakapekto sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas.

    Nakataas ang signal no. 3 sa Southern Leyte, Bohol, Negros Oriental, Siquijor, Southern Cebu, Surigao del Norte kasama ang Siargao, Surigao del Sur, Dinagat Province, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, Davao Oriental, Compostela Valley, North Cotabato, Lanao del Sur, Lanao del Norte Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Davao del Norte kabilang ang Samal Island.

    Signal no. 2 naman sa natitirang bahagi ng Cebu kabilang ang Camotes Island, Iloilo, Guimaras, Capiz, Leyte kasama ang Biliran, Negros Occidental, Davao del Sur, Sultan Kudarat, Zamboanga Sibugay at Maguindanao.

    Habang signal no. 1 sa Palawan kasama ang Calamian Group of Islands, Ticao Island, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Western Samar, Aklan, Antique, Mindanao: Basilan, Sarangani at South Cotabato.

    Ayon sa PAGASA, heavy to intense rains o 15 hanggang 30 millimeter per hour (mm/h) ang sukat ng pag-ulang mararanasan sa loob ng 600 km lawak ng bagyo.

    Patuloy pa ring ipinagbabawal na bumiyahe ang maliliit na sasakyang pandagat at pangisda sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.

    Pinag-iingat naman ang mga nakatira sa mabababa at bulubunduking lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, gayundin sa storm surge lalo na ang mga residente sa coastal areas na nasa ilalim ng signal no. 2 at 3.

    Lalabas ng PAR sa Huwebes

    Samantala, inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) si "Pablo" Huwebes ng hapon, ayon kay PAGASA administrator Dr. Nathaniel Servando sa panayam ng DZMM TeleRadyo.

    Sinabi naman ni Servando na bagama't napanatili ng bagyo ang lakas at direksyong tinatahak nito ay inaasahang hihina na ito sa mga susunod na oras.

    Inaasahan din aniyang dadaanan ni "Pablo" ang Agusan del Sur, Misamis Oriental, Negros Oriental at hilagang Palawan.

    Nananatili namang maganda ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ngunit makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan o isolated rain showers.








  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Abad, inaasahang gigisahin sa Senado sa isyu ng DAP July 24, 2014 07:41:29 »
  • METRO 2 suspetsang carnapper, patay sa engkwentro sa QC July 24, 2014 07:12:26 »
  • ENTERTAINMENT John Legend, magko-concert sa Pilipinas July 22, 2014 10:24:40 »
  • SPORTS Perkins, umabante para makuha ng La Salle ang unang panalo July 23, 2014 19:40:55 »
  • REGION Seguridad para sa anibersaryo ng INC, nakalatag na July 23, 2014 09:56:51 »
  • WORLD Mga bangkay mula MH17 crash site na isinuko ng mga rebelde, kulang ng 80 July 23, 2014 21:32:57 »
  • GOOD NEWS Vigan, pasok sa 21 finalists ng 'New7Wonders' Cities July 08, 2014 22:47:32 »