• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Cebu City, 32°C
      Partly cloudy
  • 'Karen,' mas lumakas pa ngunit inaasahang 'di tatama sa kalupaan

    By dzmm.com.ph | 12:21 PM 09/13/2012
  • image
    "Mas lumakas pa ang Bagyong Karen at ganap na itong isang typhoon, makalipas ang pitong oras. "

    Mas lumakas pa ang Bagyong Karen at ganap na itong isang typhoon, makalipas ang pitong oras.

    Batay sa 11 am weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ni "Karen" ang  lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kph.

    Namataan ang Bagyong Karen sa layong 710 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.
     
    Kumikilos ang bagyo sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 13 kph.

    Bagama't bahagyang lumakas, sinabi naman ng PAGASA na maliit ang posibilid na tumama sa kalupaan si "Karen."

    Wala ring panibagong sama ng panahon ang namataan ng weather bureau gayunman ay makakaranas ang ilang bahagi ng bansa ng maulang weekend, na epekto ng Habagat. Report from Johnson Manabat, Radyo Patrol





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Testigo sa umano'y PDAF scam, nagpasaklolo sa NBI July 03, 2015 21:44:14 »
  • METRO 2 'pulis-kidnapper,' timbog sa Maynila July 03, 2015 18:02:37 »
  • ENTERTAINMENT ABS-CBN, DZMM, umani ng parangal mula sa VACC July 03, 2015 22:02:04 »
  • SPORTS Michael Martinez, ikinuwento ang training sa Amerika June 28, 2015 08:52:30 »
  • REGION Nasawi sa lumubog na barko sa Ormoc, 48 na July 04, 2015 00:16:17 »
  • WORLD 27 patay, higit 200 sugatan sa suicide bombing sa Kuwait June 27, 2015 10:21:54 »
  • GOOD NEWS Pinoy students, wagi sa 'Go Green in the City' contest sa Paris June 28, 2015 20:25:13 »