• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Video ng babaeng nanigaw sa guard sa LRT, kumakalat sa social media

    By dzmm.com.ph | 12:44 AM 11/15/2012
  • image
    "Screen shot mula sa video na kinuha ng Bayan Patroller na si Gregory Paulo Llamoso."

    Mainit na mainit ngayon sa mga social networking sites ang video ng isang estudyanteng nanigaw sa isang lady guard sa Light Rail Transit (LRT) line 2 Santolan Station Martes ng umaga.

    Bandang alas-4:00 Martes ng hapon nang i-post ng Bayan Patroller na si Gregory Paulo Llamoso ang video, kung saan kinumpronta ng 23-anyos na Masscom student na si Paula Jamie Salvosa ang lady guard nang sitahin umano ng huli si Salvosa dahil sa pagpasok sa maling entrance.

    Ayon pa kay Llamoso, halos hindi na nakasagot ang lady guard sa paninigaw ni Salvosa at humingi pa ng paumanhin sa mag-aaral. Gayunman ay hindi ito tinanggap ng Masscom student at tuloy pa rin sa paninigaw sa guard.

    "She [lady guard] did not fight back and she just kept cool and said her sorry. She didn't even utter foul words against the bully passenger. I dont know the side of the story but some Bystander told me na sinita siya ng Lady Guard kasi mali ang pinasukan niyang way but the passengers behavior surprised me," ayon kay Llamoso.

    Mabilis na kumalat ang video sa social networking site na Facebook, kung saan umabot na sa mahigit 30,000 ang shares nito.

    Dahil sa galit ng mga netizen, may dalawa nang Facebook page ang ginawa para kay Salvosa, na nagpapakita ng matinding galit ng mga ito.

    Umaapaw na rin ang mga panunuligsa sa microblogging site na "Twitter" kung saan pumasok sa trending topics ng Philippines ang mga hashtag na #Amalayer, #Paula Jamie Salvosa at LRT habang worldwide trending naman ang #Amalayer na pang-inis sa babae.

    Naninindigan

    Sa kanyang Twitter account, nanindigan ni Salvosa (@paulaharlow) na gusto niya lang turuan ng leksyon ang hindi pa napapangalanang lady guard dahil sa ginawa umano sa kanya.

    Wala rin umano siyang pakialam sa mga nambabatikos sa kanyang ginawa.

    "Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya as lady guard. Pero sana nasa tama. If she asked me in a proper way edi sana walang gulo."

    "I just want her to learned [sic] her mistake para di na maulit sa ibang passengers yung ginawa niya sakin.Sana maging lessons to sa lahat."

    "Go spread the video! You're just making me famous. LOL."

    "I do not care what they think. They can hate, judge, talk behind my back, try to step up they [sic] game," tweet ni Salvosa.

    Nagpasalamat naman si Salvosa sa lahat ng mga naniniwala sa kanya.

    "Thanks guys for all the support! Malalaman mo tlga kung sino mga taong may malawak na pang unawa."

    Gayuman, isang Twitter user ang nagsabing fake account ang @paulaharlow.

    Wala pang ibinibigay na opisyal na pahayag si Salvosa o sinumang malapit sa kanya.

     

     





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL VIDEO: Pasang-awa si PNoy July 28, 2014 16:01:21 »
  • METRO Patas na trato, hiling ng Muslim group kay PNoy ngayong SONA July 28, 2014 12:48:13 »
  • ENTERTAINMENT ABS-CBN, kinilalang Most Relevant Disaster Preparedness TV News Organization July 28, 2014 11:34:53 »
  • SPORTS UST, nalusutan ang Adamson July 26, 2014 21:36:28 »
  • REGION 19 patay, 14 sugatan sa ambush sa Sulu July 28, 2014 15:32:05 »
  • WORLD Pansamantalang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas, pinalawig ng 24-oras July 27, 2014 12:18:02 »
  • GOOD NEWS Pinoy Math wizards, humakot ng 39 award sa South Korea July 28, 2014 10:03:00 »