• Video ng 'abusadong' propesor, kumakalat sa social media

    By dzmm.com.ph | 10:16 PM 01/08/2013
  • image
    "Isa na namang video ng pananakit ang kumakalat ngayon sa mga social networking site. "

    Isa na namang video ng pananakit ang kumakalat ngayon sa mga social networking site.

    Sa kuha ng Youtube user na si "annamae macayan," makikita ang nagpupuyos sa galit na propesor na pinaghahampas ang isa umanong estudyante niya.

    Makikita rin sa video na in-upload noong Enero 6 na inambaan pang hahampasin ng arm chair ang umiiyak na estudyante.

    Batay sa video description, sa Montessori Professional College sa Pasay nangyari ang insidente.

    Alas-10:00 Martes ng gabi, umabot na sa higit 61,000 ang views ng naturang video libo-libo na rin ang nag-share nito sa Facebook.

    Pangkalahatang galit ang makikita sa mga komento ng naturang video.

    "Hindi matututo yang prop na yan kung hindi sinapubliko ang baho nyan. Inawat nga siya, pero gagawin at gagawin din nya ulit yan. Malaki na ang kaparusahan neto pagkatapos mahuli to sa bidyo. Mas malinaw na pagpapakita ng baho, mas malaking parusa at mas malaking hustisya sa estudyante," ayon kay Youtube user CorrectSuspicion.

    "Is this how a teacher should act on his students? talking about being professional," ani Youtube user 1724joshua.

    "Lot of cases can be used againts him, ipaglaban ninyo karapatan nyo bilang student at bilang tao! Dalhin ian sa CHED at sa Womens Desk," ayon naman kay Allan Sampang. 

    Aksyon ng eskwelahan

    Samantala, iniulat ng assistant administrator ng Montessori Professional College na si Sharon Dueras na sinibak na nila ang propesor na kinilalang si Narciso Varona.

    Nagtuturo ito ng Personality Development sa nasabing eskwelahan. With a report from ABS-CBN News

     





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ikaw Na Ba: Panayam kay Chiz Escudero (Ikalawang Bahagi) February 06, 2016 16:59:48 »
  • METRO Peace caravan sa pagpasa ng BBL, umarangkada na January 19, 2016 11:50:55 »
  • ENTERTAINMENT Erik Matti, balak magpa-audition sa gaganap na ‘Darna’ January 16, 2016 16:09:00 »
  • SPORTS Dos Mil Kinse: Balitang palakasan December 31, 2015 00:21:54 »
  • REGION 2 pang nasawi sa Tagaytay car crash, kilala na January 19, 2016 12:25:47 »
  • WORLD 7 patay sa Indonesia attack; atake, inako ng ISIS January 15, 2016 11:20:18 »
  • GOOD NEWS Panibagong tapyas-presyo sa langis, ipatutupad January 18, 2016 13:58:22 »