• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly rainy
    • Baguio, 25°C
      Partly rainy
    • Cebu City, 31°C
      Partly stormy
  • Teacher, inireklamo matapos umanong manakit, at mamahiya ng mga estudyante

    By dzmm.com.ph | 09:41 PM 11/14/2012

  • "Inireklamo ng dalawang grade seven students ang kanilang guro sa isang private school matapos umano silang saktan, pahiyain at tawaging demonyo. "

    Inireklamo ng dalawang grade seven students ang kanilang guro sa isang private school matapos umano silang saktan, pahiyain at tawaging demonyo.

    Kwento ng batang itinago sa pangalang "Mark" na nag-aaral sa Sienna College, nakulitan sa kaniya ang kaniyang teacher na si Marcelina Callo kaya piningot siya at tinapatan pa ng speaker sa kaniyang tenga.

    Ang isa namang bata na itinago sa pangalang "Karl" na may sakit na scoliosis ay pinatuwad umano ng teacher sa loob ng 10 minuto dahil sa maling libro na nadala sa klase.

    Minsan, tinawag pa umano ng guro na demonyo ang buong klase.

    Ayon sa Sienna College, hindi nila kinukunsinti ang mga ganitong klase ng parusa sa mga estudyante.

    Samantala, substitute lang ang gurong si Callo at matatapos na ang trabaho nito sa Nobyembre 17.

    Pero kahit umalis na ang teacher matinding trauma ang iniwan nito sa mga estudyante.

    Base sa memorandum circular ng Department of Education (DepEd), mahigpit nilang ipinagbabawal ang anumang klase ng pang-aabuso sa mga estudyante, pisikal man o psychological tulad ng pamamahiya. Report from Niña Corpuz, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL DepEd undersecretary, patay sa aksidente August 29, 2015 21:04:34 »
  • METRO Grupo binatikos ang planong ibalik ang odd-even scheme August 29, 2015 18:59:17 »
  • ENTERTAINMENT Julia Montes, hindi na-offend nang hindi makilala ni Ariel Rivera August 21, 2015 13:56:10 »
  • SPORTS Jordan Clarkson, pwedeng maglaro sa Gilas pero... August 25, 2015 19:43:54 »
  • REGION Seaman na nasa 2-linggo nawala, natagpuang naaagnas August 28, 2015 22:47:49 »
  • WORLD 2 mamamahayag sa US, patay sa pamamaril August 27, 2015 06:29:20 »
  • GOOD NEWS Mga payo, kwento ng inspirasyon mula sa photographer na DH sa Hong Kong August 11, 2015 17:02:28 »