• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 26°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • QC Police, blangko pa rin sa dumukot sa bagong silang na sanggol

    By dzmm.com.ph | 01:35 PM 09/16/2012
  • image
    "Blangko pa rin ang Quezon City Police sa umano'y pagkadukot ng isang bagong silang na sanggol sa Santa Teresita General Hospital."

    Blangko pa rin ang Quezon City Police sa umano'y pagkadukot ng isang bagong silang na sanggol sa Santa Teresita General Hospital.

    Ayon kay Senior Inspector Rowena Lambojo, hepe ng Women and Children's Desk, nag-negatibo na sa lie detector test ang kasambahay ni Ces de los Santos, ina ng biktimang si Baby Sean Gabriel, sa pagdukot sa sanggol.

    Matatandaang sa opisyal na record ng pulisya, nakasaad na pinagdududahan ni De Los Santos ang kasambahay na si Carolyn Bautista na nagbabasa umano ng kanyang text messages at maaaring nagsuplay ng impormasyon sa nagpanggap na doktor na dumukot kay Baby Sean Gabriel.

    Ayon kay Lambojo, nilinaw ni De Los Santos na hindi niya direktang isinasangkot sa krimen si Bautista.

    Bukod kay Bautista, wala rin silang nakitang matibay na ebidensya na magtuturo sa dalawa hanggang tatlong tao na malapit sa Pamilya De Los Santos na una nilang pinaghinalaan.

    Umaasa naman ang mga awtoridad na makakatulong ang P100,000 pabuya na inilabas ng ospital sa makapagtuturo sa suspek.

    Sa ngayon, ikinokonsidera pa ring nawawala ang sanggol at hindi biktima ng kidnap for ransom. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Murad: Tropa ng gobyerno at MILF, parehong dapat parusahan March 04, 2015 22:03:43 »
  • METRO TINGNAN: 6 star cruise ship, dumaong sa Maynila March 04, 2015 19:38:35 »
  • ENTERTAINMENT Hunk ng PNP Neil Perez, papasukin na ang showbiz? March 04, 2015 18:15:36 »
  • SPORTS Pacquiao, nagsimula nang mag-ensayo sa US para sa laban kay Mayweather March 03, 2015 21:30:48 »
  • PAPAL VISIT Pope Francis, sumulat sa mga taga-Leyte February 03, 2015 16:53:39 »
  • REGION Mga lumikas dahil sa bakbakan sa Maguindanao, halos 47,000 na March 04, 2015 17:54:18 »
  • WORLD Indonesia, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol March 03, 2015 21:42:50 »