• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Pambili ng gamot, dahilan ng pagtalon ng lolo sa Edsa-Caloocan footbridge

    By dzmm.com.ph | 08:49 AM 06/11/2013
  • image
    "(UPDATE) Depresyon at problema sa gastusin ang tinitingnang dahilan ng pamilya ng matandang tumalon sa footbridge sa Manila Central University (MCU) sa Edsa, Caloocan City, Lunes ng umaga."

    (UPDATE) Depresyon at problema sa gastusin ang tinitingnang dahilan ng pamilya ng matandang tumalon sa footbridge sa Manila Central University (MCU) sa Edsa, Caloocan City, Lunes ng umaga.

    Tumalon mula sa footbridge si Marcial Mallo, 65-anyos kung saan nakita ito ng 12-anyos na apo nang umakyat sa railings ng footbridge.

    Sa panayam ng Radyo Patrol sa ikalawang anak ng biktima na si Rey, kumbinsido itong problemang pinansyal ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang ama.

    "Wala na ho kaming nakikitang dahilan kasi si Tatay iba lang talaga mag-desisyon yan eh, kaya siguro sa ganung pamamaraan na lang niya naisip. Kaya kahit kami hindi namin akalain na magagawa niya."

    Isinama pa si Lolo Marcial ng kanyang manugang sa San Lazaro Hospital noong Sabado upang magpa-check up.

    Doon nireresetshan ito ng 12 gamot na ang ilan ay nasa P95 ang isang piraso na kailangang inumin tatlong beses kada araw.

    Wala pang petsa ang libing ng biktima dahil na rin sa kahirapan ng pamilya.

    "Kulang din kasi sa budget saka 'yung kapatid niya, wala pa, papunta pa lang sa Friday pa. Yung isa sa Bicol po, 'yung isa sa Batangas."

    Nakaburol ang labi ni Lolo Marcial sa kalsada sa Potrero, Malabon malapit sa kanilang tahanan. Report from Johnson Manabat, Radyo Patrol 46





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Sueselbeck, nakaalis na ng Pilipinas November 01, 2014 18:17:31 »
  • METRO Ilang bahagi ng Manila North Cemetery, binaha November 01, 2014 17:17:06 »
  • ENTERTAINMENT 'Sendong', 'Pablo' at 'Yolanda' report ng ABS-CBNnews.com, wagi ng Asian environmental award October 31, 2014 08:44:19 »
  • SPORTS Azkals, tinalo ang Nepal sa friendly match sa Qatar November 01, 2014 10:19:34 »
  • PAPAL VISIT Official photographer ng Papal visit, napili na October 28, 2014 20:34:34 »
  • REGION 2 patay sa pagkahulog ng van sa bangin sa Cotabato November 01, 2014 19:52:33 »
  • WORLD 100 nawawala sa mudslide sa Sri Lanka October 31, 2014 20:57:05 »