• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • PNP, magtatalaga ng 500 pulis para sa malaking pagtitipon ng INC

    By dzmm.com.ph | 14:25 PM 02/22/2012

  • "Limandaang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang ipakakalat sa Pebrero 28, ang itinakdang petsa para sa Bible Exposition o pamamahayag ng salita ng Diyos ng Iglesia Ni Cristo (INC)."

    Limandaang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang ipakakalat sa Pebrero 28, ang itinakdang petsa para sa Bible Exposition o pamamahayag ng salita ng Diyos ng Iglesia Ni Cristo (INC).

    Ayon kay PNP Spokesman Agrimero Cruz, hindi na nila hinintay pa ang hiling mula sa kapatiran ng INC patungkol sa paghingi ng seguridad sa area ng Quirino Grandstand sa Maynila.

    Sa halip, kusa na aniya silang magbibigay ng seguridad sa mga miyembro ng INC para sa malaking event na ikinasa ng maimpluwensyang religious group na inaasahang dadagsain ng milyon-milyong kaanib nito.

    Hindi pa naman nabanggit ni Cruz kung magkakaroon ng traffic re-routing para sa gagawing pagtitipon. Report from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37



Leave A Comment




 



  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »