• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 24°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 30°C
      Rainy
  • Mga kinasuhang miyembro ng Lambda Rho Frat, 14 na; isa pang hazing victim, lumantad sa DOJ

    By dzmm.com.ph | 09:58 PM 03/02/2012

  • "Umabot na sa 14 na miyembro ng Lambda Rho Beta Fraternity ang nasampahan ng kasong murder at paglabag sa Anti-hazing Law kaugnay ng pagkamatay ng San Beda College of Law student na si Marvin Reglos.    "

    Umabot na sa 14 na miyembro ng Lambda Rho Beta Fraternity ang nasampahan ng kasong murder at paglabag sa Anti-hazing Law kaugnay ng pagkamatay ng San Beda College of Law student na si Marvin Reglos. 

    Ito'y matapos kasuhan kanina sa Antipolo Prosecutor's Office ang 10 pang miyembro ng fraternity na positibong itinuro ng mga testigo.

    Kabilang sa mga kinasuhan ang Grand Rhoan na si Eduardo Escobal, John Carlo Agito, Glenn Reufrancia, Kevin Mendoza, Norman Espinosa, Marco Ampil, Kevin Brian Pe, Ysrael Cruz, Christian Adobo at isang Atty. Dino Robert de Leon.

    Una nang kinasuhan sina Eric Castillo, Bodjie Yap, Arjay Gregana at isang Abdulfail.

    Ayon sa mga testigo, iba-iba ang naging papel ng mga kinasuhan sa initiation rites gaya na lamang ng may nagbantay, may humataw sa mga biktima at may mga nagdala sa kanila sa ospital.

    Samantala, isa pang Lambda Rho Beta Fraternity neophyte ang lumapit kay Justice Secretary Leila De Lima para makipagtulungan sa imbestigasyon.

    Kasama ang kaniyang ina, kinunan ng salaysay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang neophyte na tulad ni Reglos ay sumailalim din sa initiation rites ng Lambda Rho.

    Tumanggi muna si De Lima na ilahad ang pagkakakilanlan ng neophyte ngunit kinumpirma na nagtamo ang neophyte ng mga sugat at pasa mula sa initiation rites.

    Muli namang tiniyak ng kalihim sa publiko na magiging patas ang isasagawa nilang imbestigasyon sa kabila ng pagiging co-founder nito ng Lambda Rho Sigma Sorority na kaalyado ng Lambda Rho Beta. Report from Gus Abelgas, ABS-CBN News and Alex Calda, Radyo Patrol 43






  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 'Queenie', inaasahang magla-landfall sa Palawan ngayong Biyernes November 27, 2014 21:22:08 »
  • METRO MMDA enforcer na kinaladkad ng luxury car sa QC, nagkwento ng karanasan November 27, 2014 19:26:00 »
  • ENTERTAINMENT Mga magulang ni Heart, 'di tiyak kung sisipot sa kasal November 27, 2014 18:28:01 »
  • SPORTS Philippine Azkals, balik sa ika-128 pwesto sa FIFA World Ranking November 27, 2014 18:21:04 »
  • PAPAL VISIT Maynila, holiday sa 4-day visit ni Pope Francis November 27, 2014 18:17:46 »
  • REGION 400 bahay, winasak ng storm surge sa Jagna, Bohol November 27, 2014 16:39:19 »
  • WORLD 2 Pinoy, maswerteng nakaharap at nakakwentuhan si Pope Francis sa Vatican November 27, 2014 19:38:31 »