• PANAHON
    Manila, 30°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 30°C
      Partly cloudy
  • MMDA: Bagong coding scheme, sa EDSA at tuwing rush hour lang

    By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 07:06 PM 07/11/2013
  • image
    "Preliminary stage pa lang, pinag-aaralan pa lang ito. Part po ito ng opsyon na minumungkahi sa MMDA."

    Pumalag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga negatibong reaksyon ng maraming mananakay sa pinag-aaralang bagong number coding scheme.

    Sa panayam ng DZMM, ipinaliwanag mismo ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga opsyon sa pagpapatupad ng panukalang apat na numerong coding kada araw.

    Binigyang diin ni Tolentino na hindi ito nangangahulugan ng dalawang araw na total ban sa mga sasakyan sa Metro Manila.

    Sa ilalim ng unang opsyon ng MMDA, halimbawa tuwing Lunes kung kailan planong gawing coding ang 1, 2, 3 at 4, ipagbabawal lamang ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 3 at 4 sa EDSA at hindi sa lahat ng kalsada sa Metro Manila.

    "On a Monday, [halimbawa] kayo ay 3 at 4, at kasama [kayo sa coding], 'yung 3 at 4 pwedeng dumaan sa C5, sa Mandaluyong o JP Rizal. Ibig sabihin, meron tayong 5,037 kilometers sa buong Metro Manila na road network, ibabawal lang 'yung additional two [na coding] sa 23 kilometers ng EDSA. Magagamit niyo pa ho 'yung mahigit 5,000 kalye."

    Maaari pa rin anyang tumawid ang mga sasakyan sa EDSA.

    Sa ilalim naman ng ikalawang opsyon ng MMDA, ipagbabawal lamang ang dagdag na dalawang numerong coding sa EDSA tuwing rush hours.

    "Ang isang option pa ho dito ay tuwing peak hours lamang, [hindi buong maghapon]... 7:00 to 10:00 sa umaga at 5:00 to 8:00 sa gabi sa plus two, 'yung 3 and 4 [kung Lunes]. 'Yung existing, the same pa 'yun. Niluluwagan lang natin 'yung nagsisiksikan lagi sa 23 kilometers [sa EDSA] para magamit naman po 'yung side streets. At 'pag ginamit po 'yung side streets, 'yun na po 'yung paraan para maalis 'yung illegally parked doon."

    Binigyang diin pa ni Tolentino na nasa preliminary stage pa lamang ang bagong number coding scheme.

    "Preliminary stage pa lang, pinag-aaralan pa lang ito. Part po ito ng opsyon na minumungkahi sa MMDA."

    Sa ilalim ng pinag-aaralang scheme, kabilang sa coding ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1, 2, 3 at 4 tuwing Lunes; 5, 6, 7 at 8 naman tuwing Martes; 9, 0, 1 at 2 kung Miyerkules; 3, 4, 5 at 6 kapag Huwebes; at 7, 8, 9 at 0 sa Biyernes.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL MILF at PNP, may hiwalay na imbestigasyon sa Mamasapano clash January 28, 2015 22:05:27 »
  • METRO Naaksidenteng closed van, nagdulot ng matinding trapik sa Skyway January 28, 2015 08:38:39 »
  • ENTERTAINMENT Julia Montes, takot ma-in love January 27, 2015 16:27:01 »
  • SPORTS Mayweather, bumisita sa tinutuluyang hotel ni Pacquiao January 28, 2015 17:36:50 »
  • PAPAL VISIT Alamin ang mga Pinoy food na inihanda kay Pope Francis sa flight pa-Roma January 22, 2015 21:14:25 »
  • REGION Pulis, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Batangas January 28, 2015 18:11:16 »
  • WORLD Mga Pinoy sa Amerika na apektado ng winter storm, ligtas January 28, 2015 21:48:20 »