• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 24°C
      Cloudy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • Lalaking tumalon sa MRT, kilala na

    By dzmm.com.ph | 10:58 AM 05/10/2013
  • image
    "Natukoy na ang pagkakakilanlan ng lalaking tumalon sa Metro Rail Transit (MRT) Guadalupe Station noong Miyerkules ng umaga"

    Natukoy na ang pagkakakilanlan ng lalaking tumalon sa Metro Rail Transit (MRT) Guadalupe Station noong Miyerkules ng umaga.

    Hindi muna inilabas ang pangalan ng biktima pero taga-Kalinga Province ito, 31-anyos at isang freelance photographer.

    Positibo itong kinilala ng isang kaibigan.

    Sa panayam ng Radyo Patrol, sinabi ni Oliver Villacorta na pumunta siya sa Veronica Funeral sa Arnaiz Ave., Pasay City kagabi para alamin kung ang kaibigan nga nitong dalawang gabi nang hindi umuuwi sa kanyang boarding house sa Makati City ang napabalitang tumalon sa MRT Station.

    Nakilala naman nito ang kaibigan dahil sa nunal na nasa likod ng tenga at keloid sa kanang braso nito na hindi muna pinangalanan dahil hindi pa nalalaman ng pamilya ng biktima ang nangyari sa kaniya.

    Kwento nito, tatlong linggo na ang nakararaan nang mapansin nilang may nagbago sa kanilang kaibigan pagdating sa ugali na naging tahimik at hindi masyadong kumakain dahil sa umano'y isang mabigat na personal na problema.

    Wala rin aniyang kotse ang kaibigan at ang susing nakuha ay ibinigay lamang sa kaniya bilang souvenir ng isang malapit na kaibigan.

    Inaasahang darating ngayong araw ang kapatid ng biktima na naririto rin sa Metro Manila upang maipagbigay-alam na sa kanilang pamilya sa Kalinga ang nangyari. Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol 45





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL PNoy, wala pang planong ipatawag ang Nat'l Security Council April 21, 2015 14:05:55 »
  • METRO 3 sugatan sa sunog sa Las Piñas April 21, 2015 11:44:44 »
  • ENTERTAINMENT Komedyanteng si Richie D' Horsie, pumanaw na April 18, 2015 17:25:23 »
  • SPORTS Pacquiao, tampok sa limited edition stamps ng PHLPost April 20, 2015 06:30:17 »
  • REGION Ilang bahagi ng Occidental Mindoro, nakararanas ng 7-12 oras na brownout April 21, 2015 08:47:01 »
  • WORLD 33 patay, higit 100 sugatan sa pagsabog sa Afghanistan April 19, 2015 10:18:30 »
  • GOOD NEWS Dating ABS-CBN driver, nagbalik ng naiwang iPhone 6 April 20, 2015 13:44:22 »