• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 24°C
      Cloudy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • Labi ng lalaking tumalon sa MRT-Guadalupe, iuuwi na sa Kalinga

    By dzmm.com.ph | 11:24 AM 05/11/2013

  • "Iuuwi na ngayon sa Tabuk City, Kalinga ang labi ng lalaking nagpakamatay sa pagtalon sa Metro Rail Transit (MRT) Guadalupe Station noong Miyerkules. "

    Iuuwi na ngayon sa Tabuk City, Kalinga ang labi ng lalaking nagpakamatay sa pagtalon sa Metro Rail Transit (MRT) Guadalupe Station noong Miyerkules

    Una nang kinilala ang lalaki na si Leo Manulna, 31-anyos na freelance photograher at isang dating indie film actor sa pangalang Carlo Sato. Nakalagak pa rin ito ngayon sa Veronica Funeral Homes sa Arnaiz, Pasay City.

    Sa panayam ng Radyo Patrol sa kaibigan ni Leo na si Oliver Villacorta, alas-12:00 mamayang tanghali iuuwi sa Kalinga ang labi. 

    Mga kaibigan at pinsan ni Manulna ang nag-aasikaso sa lamay ng biktima.

    Hindi na kasi nagawa ng ina nito na makaluwas pa kaya hihintayin na lamang nito ang pagtulak sa anak sa Kalinga. Mahirap umano kasi ang buhay ng pamilya at malayo rin masyado ang biyahe.

    Ulila na sa ama si Manulna na bunso sa limang kapatid.

    Matagal na umanong naninirahan sa boarding sa Guadalupe, Makati ang lalaking nagpakamatay.

    Pawang nasa pagkabigla pa rin ngayon ang mga kaanak ni Leo sa pangyayari.

    Una nang ikinuwento ni Villacorta na dalawang araw nang hindi umuuwi sa kanyang boarding house si Leo hanggang sa nabalitaan na lamang nito ang insidente ng tumalon na lalaki sa MRT.

    Dito na nila hinanap ang kaibigan na iniwan ang cellphone at wallet sa kwarto, hanggang sa magtungo ang ito sa Veronica Funeral kung saan baka sakaling makumpirma na si Leo ang nasawi.

    Hindi pa rin malinaw sa ngayon ang motibo sa pagpapatiwakal ng biktima lalo't hindi ito masyadong nagki-kwento.

    Ngunit kapansin-pansin umano ang pananahimik, pananamlay at hindi pagkain ni Leo nitong mga nakaraang araw.

    Sa ngayon, panawagan ni Villacorta sa pamunuan ng MRT, higpitan pa ang pagtiyak sa seguridad ng mga pasahero nito para hindi na maulit ang ganitong insidente.

    Habang ipinapaubaya na nila sa Makati police ang imbestigasyon kung saan talaga bang tumalon o hindi si Manulna. Nais din sanang masilip ang mas malinaw na kopya ng closed circuit television (CCTV) footage. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 72-oras na vigil para kay Mary Jane Veloso, simula na April 26, 2015 19:00:11 »
  • METRO Ordinansa vs riding-in-tandem sa Mandaluyong, pinalawig April 25, 2015 20:20:05 »
  • ENTERTAINMENT 'Isang Bayan para kay Pacman' concert, dinagsa April 25, 2015 19:15:42 »
  • SPORTS Pilipinas, wagi ng 3 medalya sa World Cheerleading Championships sa Florida, USA April 26, 2015 16:30:21 »
  • REGION Binatilyo, patay pagkakuryente sa Butuan April 25, 2015 17:00:52 »
  • WORLD UN chief, umapela sa Indonesia na huwag ituloy ang pagbitay sa drug convicts April 26, 2015 14:48:17 »
  • GOOD NEWS Dating ABS-CBN driver, nagbalik ng naiwang iPhone 6 April 20, 2015 13:44:22 »