• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Cebu City, 32°C
      Partly cloudy
  • Kidnap for ransom group, naka-engkwentro ng NBI sa Maynila

    By dzmm.com.ph | 12:46 PM 04/15/2013
  • image
    "Nakabakbakan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kidnap for ransom group sa kanto ng Fugoso street at Hizon street sa Sta. Cruz, Maynila kaninang madaling araw."

    (UPDATE) Nakabakbakan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kidnap for ransom group sa kanto ng Fugoso street at Hizon street sa Sta. Cruz, Maynila kaninang madaling araw.

    Kinumpirma ni NBI Head Agent at Chief ng Anti-Organized Crime Division Rommel Vallejo ang pagkakabuwag sa grupo matapos maaresto nila sa operasyon ang lider ng grupo na si Gerald Domingo.

    Arestado rin sa engkwentro ang girlfriend nito na si Maryjane San Martin at dalawang iba pa na kinilalang si Emmanuel de Jesus at Edwin Castro alyas Orlando Sanchez at alyas Bong
    na kritikal sa Jose Reyes Memorial Hospital na tinamaan sa batok nang makipagbarilan sa NBI

    Matagal na umanong minamanmanan ng NBI ang grupo dahil na rin sa nakukuhang intelligence report. Sa estilo ng grupo, target ng mga ito ang mga financer sa mga casino.

    Hanggang sa nasakote ng NBI ang isinagawang operasyon ng kidnap for ransom group kagabi kung saan dalawang sasakyan ang ginamit ng grupo: isang pulang Ford Link (SXV 574) at isang Lancer.

    Bago mag-alas-3:00 kaninang madaling araw, inipit ng grupo ang isang Chinese businesswoman na si Flor Ty na galing Casino Filipino sa UN Avenue.

    Naganap ang pagharang sa Lope de Vega street kanto ng Avenida. Plano umano ng grupo na ipatubos ito sa halagang P20 milyon.

    Dahil natunugan na ito ng NBI, hinabol ito ng pulisya at dito na nagkaputukan na ikinasugat ng isa sa mga suspek.

    Nakatakas sakay ng Ford Link na nasa unahan ang isang alyas Benjie.

    Nailigtas naman ang biktimang negosyante na ikatlong biktima ng grupo.

    Inaasahan ang pagdating sa NBI ng mga dating biktima sa NBI para lumakas ang kaso.

    Habang patuloy naman ang follow-up operations laban sa mga nakatakas na suspek. Reports from Noel Alamar, Radyo Patrol 38; Ricky Velasco, Radyo Patrol 39 and Jake Morales, Radyo Patrol





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL 'Egay', sasamahan ng isa pang bagyo ngayong linggo - PAGASA July 06, 2015 09:50:01 »
  • METRO Pinaslang na bank teller, inilibing na July 05, 2015 20:24:55 »
  • ENTERTAINMENT ABS-CBN, DZMM, umani ng parangal mula sa VACC July 03, 2015 22:02:04 »
  • SPORTS Michael Martinez, ikinuwento ang training sa Amerika June 28, 2015 08:52:30 »
  • REGION 12 bayan, 1 lungsod sa La Union, lumubog sa baha July 06, 2015 10:51:06 »
  • WORLD 27 patay, higit 200 sugatan sa suicide bombing sa Kuwait June 27, 2015 10:21:54 »
  • GOOD NEWS Pinoy students, wagi sa 'Go Green in the City' contest sa Paris June 28, 2015 20:25:13 »