• PANAHON
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 24°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 29°C
      Partly cloudy
  • Kasambahay na pinagnakawan ang amo, arestado matapos makunan ng CCTV

    By dzmm.com.ph | 09:41 PM 11/14/2012
  • image
    "Huli sa closed circuit television (CCTV) camera ang pagnanakaw ng isang kasambahay sa Caloocan City.  "

    Huli sa closed circuit television (CCTV) camera ang pagnanakaw ng isang kasambahay sa Caloocan City.

    Arestado si Anabelle Tibalao na hindi na nagawang itanggi ang kaniyang ginawa matapos mapanood ang sarili sa kuha ng CCTV na pinagnanakawan ang kaniyang dating amo.

    Sa video, makikitang hindi lang isa kundi tatlong beses nagpabalik-balik ang suspek sa bahat at sa bawat paglabas dala-dala ang mga gamit na nakasilid sa bag.

    Kwento ng amo nitong si Jemelyn Correa, tatlong araw pa lang namamasukan sa kanila ang suspek nang biglang hindi na lang ito matagpuan.

    Sa paghahanap kay Tibalao, nadiskubre nitong nawawala na rin pala ang kanilang mga cellphone, credit card, ATM card at cash na nagkakahalaga ng P650, 000.00.

    Matapos makumpirma sa CCTV ang ginawa ng kasambahay, kinontak ni Correa ang suspek gamit ang ibang numero ng telepono at nagpanggap na naghahanap ng bagong kasambahay.

    Nakumbinsi niya itong makipagkita sa kaniya sa Alabang at nagulat na lang ang suspek na ang dating amo pala niya ang kaniyang makakaharap.

    Nabawi mula dito ang mga ninakaw na gamit ngunit hindi na na-recover ang cash.

    Naniniwala naman ang mga pulis na miyembro si Tibalao ng isang organized na sindikatong pumapasok na kasambahay upang magnakaw. Report from Raffy Santos, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Cardinal Tagle, nanguna sa Washing of the Feet sa Manila Cathedral April 18, 2014 04:19:05 »
  • METRO Aminin ang pagkakamali, hamon ni Deniece kay Vhong ngayong Holy Week April 16, 2014 20:11:09 »
  • ENTERTAINMENT Mga kapatid ni Paul Walker, gaganap sa 'Fast 7' April 16, 2014 09:59:11 »
  • SPORTS Plano ni Pacman matapos manalo kay Bradley April 14, 2014 15:29:21 »
  • REGION 5 patay, 15 sugatan sa banggaan ng bus at trak sa CamSur April 16, 2014 21:20:34 »
  • WORLD Death toll sa paglubog ng ferry sa South Korea, 18 na April 18, 2014 03:44:35 »
  • GOOD NEWS 29 taong paghahanap ng Fil-Am sa Pinoy na ama, natuldukan dahil sa DZMM April 14, 2014 21:51:10 »