• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Ilang Metro Manila mayor, suportado ang 'Anti-Epal' campaign

    By Nikki delos Santos, dzmm.com.ph | 08:19 AM 09/18/2012
  • image
    "Suportado ng ilang alkalde sa Metro Manila ang kampanya ng "Anti-Epal Movement," na naglalayong mapuksa na ang tila pagpapansin ng mga pulitiko para sa nalalapit na eleksyon. "

    Suportado ng ilang alkalde sa Metro Manila ang kampanya ng "Anti-Epal Movement," na naglalayong mapuksa na ang tila pagpapansin ng mga pulitiko para sa nalalapit na eleksyon.

    Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Atty. Vince Lazatin, founder ng "Anti-Epal Movement" na iniutos na nina Manila Mayor Alfredo Lim, Quezon City Mayor Herbert Bautista at Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian na alisin na ang mga billboard, tarpaulin at iba pang information material na nagpapakita ng kanilang larawan.

    Maganda umanong simula ito para sa mga local government unit (LGU) dahil ang mismong pinuno ng kanilang lungsod ang nagpapakita ng pagkayamot nila sa mga "epal" na pulitiko.

    Citizen arm

    Samantala, matatandaang kaisa ang "Anti-Epal Movement" sa forum na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa premature campaigning.

    Ayon kay Lazatin, napipisil ng Comelec na magkaroon ng isang opisyal na citizen arm, na siyang magiging ka-partner ng ahensya sa pagsugpo ng premature campaining ng mga pulitiko.

    Sinabi naman ni Lazatin na bukas sila na maging opisyal na citizen arm, gayunman, kung hindi palarin ay pagpapatuloy pa rin umano nila ang kanilang abokasiya laban sa mga "epal" candidate.

    Makikipagtulungan na rin aniya ang kanilang grupo sa Department of Interior and Local Government (DILG) upang maisulong ang umano'y memorandum ng yumaong kalihim Jesse Robredo na nagbabawal sa mga pagkakabit ng mga poster ng mga pulitiko sa bawat LGU.

    Dapat umanong maipatupad ito at maghanap ng paraan upang mas mapalakas ang batas ng ahensya.

    Muli namang nagpaalala si Lazatin sa publiko na maging mapanuri lalo na't malapit na ang paghahain ng certificate of candidacy ng pulitiko. Photo courtesy: Anti-epal movement





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL PNoy, mag-iinspeksyon ng pier, airport at bus terminal October 26, 2014 17:02:06 »
  • METRO MMDA, may linis-sementeryo ngayong Lunes October 26, 2014 15:58:17 »
  • ENTERTAINMENT Jim Paredes, nakatanggap ng death threat sa Twitter October 24, 2014 20:18:18 »
  • SPORTS Donaire, pinasok ang maling timbang - analyst October 25, 2014 15:59:30 »
  • PAPAL VISIT Shooting ng music video para sa pagdating ng Santo Papa, sinimulan na October 25, 2014 20:21:45 »
  • REGION Sikreto ng pagiging CPA board topnotcher October 26, 2014 14:42:44 »
  • WORLD 16 patay sa pagguho ng minahan sa China October 25, 2014 20:37:08 »