• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 26°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Hiling ng mag-asawang Marzan na mapiit sa NBI, ibinasura ng korte

    By dzmm.com.ph | 06:17 PM 09/13/2012

  • "Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 77 ang hiling ng mag-asawang Analiza at Reynold Marzan na mapiit sa National Bureau of Investigation (NBI). "

    Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 77 ang hiling ng mag-asawang Analiza at Reynold Marzan na mapiit sa National Bureau of Investigation (NBI).

    Sa dalawang pahinang desisyong inilabas ni Judge Germano Legaspi, walang ebidensiyang naiprisinta ang depensa na may karamdaman nga si Ginang Marzan.

    Sa extreme urgent motion na inihain ng mag-asawa sa pamamagitan ng kanilang abogado, ikinatwiran ng mga ito na may iniindang sakit si Annaliza at nais nilang matutukan ito ng mga doktor sa NBI.

    Dagdag pa rito ang pagnanais ng mga anak ng mag-asawa na maging accessible sa kanila ang kanilang mga magulang na magkasama sa NBI.

    Dahil dito, mananatili sa Quezon City Female Dormitory si Annaliza habang sa Quezon City Jail naman si Reynold.

    Babasahan ng sakdal ang mag-asawa sa Lunes, Setyembre 17 sa mga kasong serious illegal detention, serious physical injury at frustrated homicide.

    Ang mag-asawang Marzan ay inaakusahan ng pagmamaltrato sa kanilang dating kasambahay na si Bonita Baran.

    Matatandaang sa DZMM lumapit si Baran para ireklamo at isalaysay ang aniya'y kalupitang sinapit noon sa kamay ng mag-asawang Marzan.

    Humantong ito sa pagkasunog ng balat ni Baran bunsod aniya ng pagplantsa ng amo sa kaniyang mukha at pagkabulag ng kaniyang kanang mata. Report from Robert Mano, Radyo Patrol





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Online petition vs all-out war sa Mindanao, umaani ng suporta March 06, 2015 18:24:29 »
  • METRO FEU students, nagdaos ng black veil protest para sa SAF 44 March 06, 2015 16:08:11 »
  • ENTERTAINMENT Hollywood actor Harrison Ford, sugatan sa plane crash March 06, 2015 10:16:51 »
  • SPORTS Pacquiao, nagsimula nang mag-ensayo sa US para sa laban kay Mayweather March 03, 2015 21:30:48 »
  • PAPAL VISIT Pope Francis, sumulat sa mga taga-Leyte February 03, 2015 16:53:39 »
  • REGION 4 BIFF member, arestado sa Maguindanao March 06, 2015 20:21:17 »
  • WORLD US actor Harrison Ford, sugatan sa plane crash sa LA - reports March 06, 2015 08:25:38 »