• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • Dating PBA import player, arestado sa QC

    By dzmm.com.ph | 12:22 PM 09/24/2012

  • "Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang dating PBA import player dahil sa pambabato ng isang sasakyan sa Farmer's Market, Cubao, Quezon City."

    Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang dating PBA import player dahil sa pambabato ng isang sasakyan sa Farmer's Market, Cubao, Quezon City.

    Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, imbestigador ng QC-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), alas-12:20 ng madaling araw nang mamataan na lasing ang PBA import na si Billy Ray Bates alyas "Black Superman" sa naturang lugar, nang bigla na lamang nito binato ang limousine na pagmamay-ari ni Carlos Vicente, 48-anyos, isang negosyante na residente ng Proj. 4, Quezon City.

    Agad tumakas si Bates matpos ang insidente ngunit namataan rin kaninang ala-6:00 ng umaga kung kaya't dali-daling tumawag ng pulis ang biktima.

    Hindi na nakapalag pa si Bates nang dalhin sa Quezon City Police Station 7 at nakipagkasundo na lamang na babayaran ang mga pinsala nito sa sasakyan biktima.

    Gayunman, itinanggi nito na lasing siya at binato ang sasakyan ni Vicente.

    Bukod dito, hinoldap din umano siya ng dalawang kalalakihan sa lugar at tinangay ang kanyang passport, cellphone at P7,000.00

    Si Bates ay dating manlalaro ng Great Taste Coffee, Crispa and Ginebra noong 1980's. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Trabaho sa mga opisina ng gobyerno, half-day ngayong Oct 31 October 30, 2014 20:42:00 »
  • METRO Grupo ng mga guro, sumugod sa Mendiola October 30, 2014 18:04:29 »
  • ENTERTAINMENT 3 programa ng DZMM, wagi sa 36th Catholic Mass Media Awards October 29, 2014 20:50:59 »
  • SPORTS Coach Chot sinibak sa pwesto, bagong Gilas bubuuin October 30, 2014 18:34:21 »
  • PAPAL VISIT Official photographer ng Papal visit, napili na October 28, 2014 20:34:34 »
  • REGION 4 patay sa pagsalpok ng pick-up sa puno sa CamNorte October 29, 2014 20:16:27 »
  • WORLD 10 patay, 30 sugatan sa banggaan ng school bus at tanker sa Brazil October 29, 2014 07:53:33 »