• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • Batang lalaki, sugatan nang maipit sa escalator ng supermarket

    By dzmm.com.ph | 09:52 AM 02/23/2012

  • "Halos mabali ang kaliwang braso ng 7-taong gulang na batang lalaki matapos maipit sa escalator ng isang supermarket sa Monumento, Caloocan City kagabi."

    Halos mabali ang kaliwang braso ng 7-taong gulang na batang lalaki matapos maipit sa escalator ng isang supermarket sa Monumento, Caloocan City kagabi.
        
    Inoperahan sa MCU Hospital si Felix Aparejado dahil sa matinding pinsalang tinamo ng braso ng biktima.
        
    Ayon kay Melody Aparejado, tiyahin ng bata, naipit sa escalator ang kaniyang pamangkin matapos matapilok at napahiga ito habang pababa sa ground floor.
        
    Inabot ng halos apat na oras bago natanggal ang kamay ng biktima sa escalator dahil hindi umano kaagad pinapasok ng mga guwardiya ng supermarket ang rescue team ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

    Sinisi naman ni Melody ang management ng supermarket sa insidente. "Kung may guwardya po doon maitatayo nya sana yung pamangkin ko."

    Pero giit ng ni Norman Baclao, officer-in-charge ng Puregold, malaki rin ang pagkukulang ng tiyahin sa nangyari.

    "Negligence nya yun e. Naiwan nya yung bata na naglalaro sa funhouse, sumakay sa escalator kaya nadisgrasya."

    Nangako naman ang pamunuan ng Puregold na pananagutan ang lahat ng gastusin sa nadisgrasyang bata. Reports from Zandro Ochona, Radyo Patrol and ABS-CBN News



Leave A Comment




 

kelly  February 23, 2012 19:25:14

paano po nangyari na pumasok yung kamay ng bata sa gilid ns escalator? may space ba sa siding ng escalator nila? ang auntie nya ang pinakadapat sisihin. san kaya sya ng mgha oras na yun? texting? chatting with the guards? LOL...

 


  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »