• PANAHON
    Manila, 31°C
    Cloudy
    • Baguio, 24°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Rainy
  • Babae, patay matapos tumalon sa isang gusali sa Ortigas

    By dzmm.com.ph | 01:07 PM 11/13/2012
  • image
    "Patay ang isang babae matapos tumalon mula sa isang gusali sa Garnet Road, Ortigas, Pasig City bandang alas-9:25 ng umaga. "

    (UPDATE 4) Patay ang isang babae matapos tumalon mula sa isang gusali sa Garnet Road, Ortigas, Pasig City bandang alas-9:25 ng umaga.

    Nagkalat ang mga bahagi ng katawan ng babae at wala na rin itong ulo nang matagpuan.

    Kinilala ng barangay kagawad na si Melvin Villaluz ang biktima na si Josephine Maranan, 45-anyos, at residente ng Sampaloc, Maynila.

    Distributor ng spare parts ang biktima.

    Batay sa inisyal na ulat, tumalon ang babae mula sa roof deck ng Prestige Tower, na sakop naman ng Barangay San Antonio.

    Nasa ika-27-palapag ng naturang gusali ang roof deck na pinanggalingan ng biktima.

    Sa rekord ng mga security guard, alas-8:45 ng umaga nang unang pumasok si Maranan sa Gusali.

    Bandang alas-9:20 ng umaga nang magwala ito at nagpakita ng indikasyon ng pagtalon mula sa roof deck.

    Tinangka pa umano itong pigilan ng mga security guard ngunit nagsisigaw siya at patuloy sa paghakbang patalikod.

    Ayon sa Pasig Police, dapat ay tumawag ng mas maaga ang pamunuan ng Prestige Tower upang naagapan sana ang pagtalon ng babae.

    Narekober ang brown na bag, na may lamang P2,000 hanggang P3,000, at tsinelas ng biktima. May visitor's ID din ito sa kanyang bulsa.

    Nagkalasog-lasog ang ulo ni Maranan kaya't nahirapan ang awtoridad na makilala ito.

    Batay naman sa salaysay ng testigong si Jason Magsino, naglalakad siya sa bahagi ng Garnet Road nang makarinig ng malakas na tunog.

    Inakalang basura lang ang nahulog sa kanya at ng makita ay katawan ng babae na wala ng ulo.

    Nangingig pa umano si Magsino at bakas pa sa kanyang damit ang dugo ng biktima.

    Inaalam pa ang huling ka-transaksyon ni Maranan sa gusali bago ang pagpapatiwakal. Report from Arnell Ozaeta, Radyo Patrol; Photo from Alex Santos, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pagsampa ng kaso vs LRT-MRT fare hike, suportado ni Poe December 22, 2014 21:19:04 »
  • METRO NCRPO, naka-full alert ngayong Kapaskuhan December 22, 2014 12:03:16 »
  • ENTERTAINMENT Ara Mina sa pagiging bagong ina December 21, 2014 08:06:42 »
  • SPORTS Thailand, kampeon sa 2014 AFF Suzuki Cup December 21, 2014 19:45:30 »
  • PAPAL VISIT 10 religious leaders, makakausap ng Santo Papa sa UST December 22, 2014 17:02:13 »
  • REGION 2 bata, nalunod sa Christmas party sa resort sa La Union December 22, 2014 18:14:55 »
  • WORLD 8 bata, pinatay umano sa saksak sa Australia December 19, 2014 17:50:14 »