• PANAHON
    Manila, 31°C
    Cloudy
    • Baguio, 24°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Rainy
  • Atty. Roque, walang natatanggap na banta matapos ipalabas ang anti-Muslim film

    By dzmm.com.ph | 01:02 PM 09/24/2012

  • "Wala namang natanggap na anumang banta si Attorney Harry Roque matapos na ipalabas ang kontrobersyal na pelikula na "Innocence of a Muslim" sa University of the Philippines (UP) noong Biyernes, Setyembre 21."

    Wala namang natanggap na anumang banta si Attorney Harry Roque matapos na ipalabas ang kontrobersyal na pelikula na "Innocence of a Muslim" sa University of the Philippines (UP) noong Biyernes, Setyembre 21.

    Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Atty. Roque na wala rin namang nangyaring aberya sa ginawang pagpapalabas ng naturang pelikula.

    Ayon kay Roque, mataas ang kanyang respeto sa mga kapatd nating Muslim at hindi naman tayo maihahalintupad sa Libya o Egypt.

    Inihayag ni Roque, matatalino ang mga kapatid nating Muslim na idinaan sa tamang proseso ang pagpigil sa pagpapalabas sa nasabing pelikula sa pamamagitan nang pag-akyat sa Korte Suprema.

    Pero iginiit ni Roque na ang ginawa nyang pagpapalabas sa naturang pelikula noong Biyernes na nagkataong kasabay ng paggunita sa Martial Law ay para sa kalayaan ng malayang pag-iisip at pananalita at academic freedom.

    Nilinaw din ni Roque na trailer lang ang kanilang ipinalabas sa kanyang klase at hindi buong pelikula. Report from ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pagsampa ng kaso vs LRT-MRT fare hike, suportado ni Poe December 22, 2014 21:19:04 »
  • METRO NCRPO, naka-full alert ngayong Kapaskuhan December 22, 2014 12:03:16 »
  • ENTERTAINMENT Ara Mina sa pagiging bagong ina December 21, 2014 08:06:42 »
  • SPORTS Thailand, kampeon sa 2014 AFF Suzuki Cup December 21, 2014 19:45:30 »
  • PAPAL VISIT 10 religious leaders, makakausap ng Santo Papa sa UST December 22, 2014 17:02:13 »
  • REGION 2 bata, nalunod sa Christmas party sa resort sa La Union December 22, 2014 18:14:55 »
  • WORLD 8 bata, pinatay umano sa saksak sa Australia December 19, 2014 17:50:14 »